KABANATA 45

2.1K 66 9
                                    

Pakakasal Ka Ba Talaga?

×××

“Teka, lasing ba ang fiance mo? Dito mo na siya patulugin at baka may mangyari pa sa kaniya. Malinis naman ang guestroom kaya ihatid mo na siya roon.”

Parang hindi pa makapaniwala si Natalia sa narinig niya. Talagang ang ama niya pa kasi ang nagpapatulog roon kay Treyton. Naninibago tuloy siya dito.

Nagdadalawang-isip man ay hinatid niya si Treyton sa guestroom katulad ng sinabi ng kaniyang ama. Sa totoo lang, hindi niya rin naman alam ang gagawin sa binata. Ang naisip niya lang kasi ay papasukin ito at hindi ito payagan na magmaneho. Pero dahil gabi na nga rin ay naisip niyang sundin ang sinabi ng daddy niya.

Pagdating sa guestroom ay dumating narin ang katulong na inutusan niyang kumuha ng pamalit sa suot ni Treyton. Pag-abot niya nun sa lalaki ay itinulak niya ito patungo sa banyo.

“Maligo ka at magpalit ng damit para mahimasmasan ka. Tapos matulog ka na at please lang, huwag kang maging feeling at home sa bahay namin dahil hindi ka naman talaga welcome dito.”

×××××

Paggising ni Natalia, kinaumagahan ay hindi na niya naabutan si Treyton sa kanila. Mukhang maaga itong umalis. Hindi naman na nito kailangang magpaalam sa kaniya pero parang iyon ang inaasahan niya kaya medyo disappointed siya.

Mabuti nalang at hindi nito nakalimutang mag text at magpasalamat sa ginawa niya. Kung hindi ay talagang sasama ang loob niya dito.

Thanks nga pala sa pagpapatuloy sa bahay ninyo. Thanks sa concern at sa kiss. See you later.

Pinamulahan ng mukha si Natalia nang mabasa ang tungkol sa paghalik nito sa kaniya. Kahit wala namang nakatingin sa phone niya ay dali-dali niya iyong ibinalik sa bulsa at nagpalinga-linga sa paligid. Kinagat niya pa ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang nagpipintong pagngiti pero sa huli ay nanalo parin ang kilig na naghuhimiyaw sa kaniya. Naalala niya kasi iyong kiss. Naisip niyang baka style lang ni Treyton iyong hindi nito matanggal ang suot na seatbelt para lumapit siya. And she thinks it’s cute.

Katulad ng schedule nila ay isang sasakyan lang ang ginamit ng buong team nila patungo sa kanilang lokasyon. Pasado alas-dose na ng dumating sila sa Pangasinan. Doon ay naghihintay na ang kanilang lunch. Tamang-tama dahil pagkatapos kumain at magpahinga sandali ay nag set up na sila ng maliit na stage sa may buhanginan. Pagdating ng alas-kwatro ay natapos na rin ang interview na ginawa nila.

At dahil wala ng gagawin ay naisipan muna ni Natalia na humanap ng pwesto upang magpahangin. Iintayin nalang niyang tawagin siya kung sakaling tapos na ang pagliligpit ng mga crew nila.

“I’m sorry to ask pero talaga bang pakakasal ka sa lalaking iyon? Do you really need to?”

Nawala ang nakapaskil na ngiti sa labi ni Natalia nang marinig ang tanong na iyon ni Clint. Sandali niya itong nilingon. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya.

Does she really need to?

Isang buwan na nga lang pala at gaganapin na ang kasal na magtatali sa kanila ni Treyton. May isang buwan pa siya para mag-isip.

Talaga bang kailangan niyang pakasal dito?

Kung tutuusin ay hindi naman talaga nangyari ang bagay na ipinaghihiganti niya kaya tama pa bang ituloy niya iyon?

Ano ba ang pumipigil sa kaniya na i-cancel ang kasal?

Pagmamahal. Tama. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya masabi sa ama na ayaw na niyang pakasal. Hindi niya naman kasi talaga gustong itigil ang kasal. Ang totoo’y kahit alam na niyang wala namang mangyayari sa ate niya dahil panaganip lang iyon ay gusto niya paring maikasal kay Treyton.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now