KABANATA 23

2.1K 95 8
                                    

Movie Date

×××

“Anak, pwede bang ihatid mo ito sa condo ni Treyton? Ibinilin kasi ito ng lolo niya. Since wala akong mautusan ay ikaw na lang ang magdala doon at doon din naman ang daan mo.”

Napaismid na lang si Natalia nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama. Talaga ba kasing kailangan na siya pa ang magdala ng bagay na iyon?

Ayaw niya pa sanang makita si Treyton. Pero parang nang-aasar ang langit at talaga namang sinusubok ang pasensiya niya. Paano niya naman kasi sasabihin sa ama niya na ayaw niyang makita ang binata, gayong fiancee niya na ito. Paano niya sasabihin ditong wala naman talagang intimate na namamagitan sa kanila ng damuhong iyon?

Nevermind. Siguro, iaabot niya na lang iyon sa lalaki at aalis rin kaagad pagkatapos.

Pagdating sa condo ni Treyton ay nag doorbell kaagad si Natalia. Ilang ulit niyang pinindot ang doorbell pero nang walang nagbubukas sa kaniya ay nagsimula siyang makaramdam ng inip. Wala yata ang binata.

Dahil naisip iyon ay itinaas ni Natalia ang harang sa pindutan ng passcode. Alam niyang binalik na ni Treyton ang luma nitong passcode kaya naman iyon ang ni-enter niya. Napasimangot nalang siya nang ma-confirm ang hinala niya. Psh!

“Treyton...” tawag ni Natalia sa pangalan ng lalaki habang pumapasok sa condo nito.

Pero sobrang tahimik ng paligid. Mukhang wala doon ang binata. Maganda nga iyon dahil hindi niya ito makikita. Dumiretso si Natalia sa kusina. Pagkatapos niyang ilapag sa lababo ang dalang samut-saring gulay na halatang bagong harvest lang ay itinaas niya ang long sleeve ng kaniyang blouse. Pagkatapos ay isa-isa niya iyong inilabas mula sa echo bag at sinimulang hugasan bago inilagay sa ref. Kailangan niyang gawin iyon dahil narin nanghihinayang siya kung mawawala ang freshness ng mga gulay.

Pagkatapos mailagay at maiayos sa ref ang mga dala ay sandaling sumulyap sa sala si Natalia.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansin ang ilang basag na gamit na nagkalat doon. Parang may nagwala. Nag-away ba sila? Ano bang pakialam niya.

Bumuga ng hangin si Natalia. Tumalikod na siya. Wala naman siyang pakialam kung anuman ang nangyari sa bahay na iyon kaya tinungo na niya ang pintuan. Bago lumabas ay napangisi siya dahil naisip niyang palitan ulit ang passcode ng binata at ibalik sa birthday niya na ginawa niya naman kapagdaka.

×××××

Alanganing ngumiti si Natalia. Ramdam niya ang ginagawa ni Vicky sa kanila ni Clint. Pinaglalapit sila ng babae. Siguro dahil iyon sa nangyari kahapon. Malamang, gusto nito na magkaroon siya ng tunay na nobyo kaya gumagawa ito ng paraan para magkalapit sila ni Clint.

“Ano bang ginagawa mo bruha?” bulong ni Natalia sabay kurot sa tagiliran ni Vicky na ikinangisi lang ng dalaga.

“Sige na sir. Sumama ka na. Huh?” Patuloy na pang-uuto ni Vicky kay Clint.

May pagtatanong na tumingin naman sa kaniya ang lalaki. Animo’y kinukuha nito ang approval niya kaya tinanungan niya lang ito.

“Ok. Sige. Mag sine tayo mamaya after work.” dahil nakuha ang approval niya ay sumang-ayon na rin si Clint sa sinasabi ni Vicky.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now