KABANATA 48

2.2K 65 2
                                    

Kidnapped

×××

Pinababa ng mga lalaki si Clint sa kotse at ang isa sa kanila ang pumalit sa pwesto nito. Habang ang dalawa ay naupo sa magkabilaang side niya.

Lahat sila ay may dalang baril kaya bakas ang takot sa mukha ni Natalia na gumawa ng anumang ikasasama niya.

Ang pag-asa nalang niya ay si Clint. Alam niyang hihingi agad ito ng tulong kapag nakahanap ng pagkakataon at paniguradong maabutan siya nito dahil sa trapik.

What the—

Nakagat na lang ni Natalia ang pang-ibabang labi nang makitang unti-unti ng lumuluwag ang kalsada. Dahil doon ay naging tuloy-tuloy na ang andar ang kotseng sinasakyan niya. Nang makita niyang lumampas na sila sa simbahan ay napuno ng takot ang dibdib niya. Lahat na yata ng santo ay natawag niya para iligtas siya. Kahit si Treyton na imposible namang dumating ay paulit-ulit niya ring tinawag sa isip niya.

Dahil walang magawa at natatakot ay nagsimulang umiyak si Natalia. Pilit niyang pinalalakas ang loob pero sadyang mahina siya pagdating sa ganoong bagay kaya patuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa makarating sila sa isang daungan. Doon siya pilit na pinababa ng mga lalaki.

Ibebenta ba siya ng mga ito? Bakit nasa pier sila?

Pero hindi iyon ordinaryong pier lang. Dahil ang naka-park sa gawing iyon ng daungan ay puro mga mamahaling yate. Bawat daungan ay may naka-tambay na yate na tila naghihintay na gamitin.

“Boss, heto na ang babae.” sambit ng lalaking nag drive sa kotse.

Mula sa yate ay bumaba ang tinawag nitong boss. Nakasuot ito ng kulay itim na tuxedo. Halos malaglag ang panga ni Natalia nang makilala kung sino ito. It was Brion; the secretary of Treyton.

“Brion?” hindi makapaniwalang sambit ni Natalia sa pangalan ng binata.

Huminto ito sa harapan niya. Nang makita nito ang nagulo niyang buhok at nasirang make-up ay agad nitong binalingan ang tatlong lalaki na kumidnap sa kaniya at masama silang tiningnan.

“Hay, sinabi ko ng huwag ninyo siyang pahihirapan e. Ano’ng ginawa ninyo sa kaniya ha? Kapag nalaman ’to ni Treyton tiyak malilintikan ako!” sigaw ni Brion sa kanila.

Treyton? Pati ba naman si Treyton ay may kinalaman sa pagpapa-kidnap sa kaniya? Ano bang iniisip nito?

Hindi makapaniwala si Natalia. Talagang ipinakidnap pa siya ni Treyton para lang hindi matuloy ang kasal nila. Ang siraulo! Ayaw na pala nitong pakasal sa kaniya, edi sana sinabi nalang nito para hindi na siya nag effort na mag gown.

Pero paano nga naman iyon masasabi ng binata kung nitong nakaraan ay iniiwasan niya naman ito.

“Haist... Ayos ka lang ba ha? Sinaktan ka ba ng mga gagong ’to?” Sipat sa kaniya ni Brion. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. Hinawakan pa nito ang ulo niya para ayusin ang buhok niya.

Imbes na matuwa sa pag-aalala nito ay inis niyang hinampas ang kamay nito. “Ano bang kalokohan ’to? Si Treyton ba ang nag-utos sa’yo na gawin ito ha?”

Ngumisi naman si Brion. Pagkatapos nitong senyasan ang mga lalaking nagdala sa kaniya roon at maka-alis na ang mga ito ay itinulak na siya ni Brion patungo sa yate na pinanggalingan nito. 

“Kalma ka nga lang. Halika muna sa loob. Kailangan mo munang magpalit ng damit at paniguradong nakakadagdag iyan ng init ng ulo mo.”

Wala ng nagawa si Natalia kung hindi sumunod kay Brion. Tutal naman ay wala na siyang hahabuling kasal kaya gusto niya nalang malaman kung ano ba ang nasa isip ni Treyton at pinakidnap pa siya nito.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now