KABANATA 32

2K 83 2
                                    

Pagdating Ni Meanne


×××

Pag-ahon nila ay nagtatawanan pa sila ni Treyton habang nag-aasaran. Ayaw kasing patalo ng binata kung sino ba sa kanila ang mas magaling na lumangoy kaya inaasar nalang ito ni Natalia.

Hanggang sa matanawan nila si Trevor na patungo sa dalampasigan. May kasama itong babae na naka two piece bikini. Iyong babae na naging dahilan ng pagbabago ng parehong mukha nila ni Treyton.

“Meanne...” mariing sambit ni Treyton.

Nang lingunin ito ni Natalia ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtatagis ng bagang nito na parang galit ito na makita roon ang babae.

Hindi na nila kinailangan pang lumapit kay Trevor at Meanne dahil ang dalawa na rin mismo ang lumapit sa kanila.

“Hi brother. I have a gift for you.” may himig na pang-aasar ni Trevor.

Mukhang nakuha na ni Natalia ang ibig nitong mangyari. Talagang hindi pa ito tapos sa pang-aasar sa kapatid. Pero dahil nadala nito si Meanne doon ay mukhang alam rin nito ang tungkol sa dalaga.

“Treyton...” Patakbong lumapit si Meanne kay Treyton na ikina-atras naman ni Natalia.

Nayakap niya nalang ang sarili nang makita ang pagyapos ni Meanne sa braso ni Treyton. Nagdulot iyon ng bahagyang kurot sa puso niya. Ewan niya ba kung bakit kasi parang umaasa siya na hindi ganoon ang mangayyari.

“What are you doing here?” malamig na tanong ni Treyton sabay inalis ang kamay ni Meanne sa braso at masamang tumingin kay Trevor.

“Ang sabi kasi ni Trevor, alam niya kung nasaan ka, kaya sumama ako sa kaniya. Hindi mo kasi ako tinatawagan e. Alam mo naman kung gaano kita kabilis na ma-miss?” paliwanag naman ni Meanne sabay taas ng kilay kay Natalia.

Halatang nang-iinggit lang ito at ipinapakita sa kaniya kung sino talaga ang may karapatan kay Treyton kaya nanatiling tahimik lang si Natalia. Sabi nga nila, masakit raw ang katotohanan. At iyong ipinamu-mukha ngayon ni Meanne sa kaniya. Aaminin niya nasasaktan siya. Siguro nga mahalaga na rin sa kaniya si Treyton kaya may parte ng puso niya ang umaasa na makukuha niya ang atensyon nito pero ngayon na nariyan na si Meanne ay naipa-mukha na nito na wala siyang aasahan sa binata.

Kaya iisipin niya nalang na nadala lang ang lalaki sa bugso ng damdamin nito kaya nagawa siya nitong halikan kanina. Isa pa ay hindi naman niya ito tinutulan kaya wala itong atraso sa kaniya.

“Mag-usap tayo.” Mariing hinawakan ni Treyton ang kamay ni Meanne at hinila ito palayo.

Nang wala na ang dalawa ay nakangiti siyang nilapitan ni Trevor. Tumayo ito sa tabi niya habang nakatingin sa direksyon ng dalawang umalis.

“You don’t look surprised. Mukhang alam mo ang relasyon ng dalawa ah.” ani Trevor.

Nilingon ito ni Natalia atsaka inirapan. “Talagang masaya ka na pinahihirapan ang kuya mo no?”

Iniwan na ni Natalia si Trevor. Balak niyang bumalik nalang sa villa ni Treyton. Since naroon na ang tunay na girlfriend nito ay mukhang hindi na siya kailangan sa lugar na iyon.

Napasimangot si Natalia nang makita ang mahabang kalsada. Hindi siya maaaring bumalik sa villa ng naglalakad lang dahil masyado iyong malayo. Baka wala pa sa kalahati ay sumuko na siya.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now