KABANATA 50

2.6K 82 2
                                    

Wakas

×××

“So ano, kita na lang tayo bukas.”

Nahihiyang tumango si Natalia. Oras na para maghiwalay sila ni Treyton. Parang ang bilis ng oras. Nakukulangan siya sa pag ce-celebrate nila ngayong araw. Pero alam niyang kailangan na rin nilang magpaalam dahil masyado ng gabi.

Pero kung siya ang tatanungin ay gusto niya pa sana itong makasama. Ang sarap kasi nitong ka-kwentuhan. Lalo kapag pinipilit niya itong mag kwento ng tungkol sa kaniya. Ngayon niya lang kasi nalalaman ang mga iyon kaya natutuwa siya.

Medyo nagulat pa si Natalia ng gawaran siya ng mabilis na halik ni Treyton sa labi. Napangiti nalang siya nang nahihiya itong yumuko bago tumalikod.

Inihatid nita ito hanggang sa makasakay na ito ng kotse. Kumaway pa ito sa kaniya bago isinara ang bintana at umalis.

Talaga bang mag nobyo na sila?

Itinaas niya ng bahagya ang kamay at pinagmasdan ang daliri na may singsing. Iyon ang totoong engagement ring nila. Totoong fiancee niya na nga ito. Wala pang petsa ang totoong kasal nila pero nag lo-look forward siya roon.

Hindi parin siya makapaniwala. Akalain ba niya na dahil lang sa pagkakamaling paghihiganti ay mai-in love siya. Pakiramdam niya tuloy ay soulmate niya ang lalaki. Kahit kasi sandali palang silang nagsasama ay parang matagal niya na itong kilala.

Iyon yata talaga ang nangyayari kapag natagpuan mo na ang lalaking para sa’yo. Iyong ramdam mo na siya na talaga.

“Masaya ako para sa’yo.”

Nagulat pa si Natalia nang marinig na may nagsalita mula sa kanan niya. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon. Parang narinig niya na iyon kung saan.

Binaling niya ang tingin sa nagsalita. Maliwanag naman sa labas dahil nakasindi ang ilaw nila sa harapan. Sapat na ang binibigay niyong liwanag para makita niya ang lalaking unti-unting iniluluwa ng liwanag.

“Ikaw?” Medyo nagtatakang tanong ni Natalia sabay turo sa lalaki.

Ang kulay abuhin nitong buhok. Ang kulay asul na mga mata. Ito ang bagong lipat nilang kapitbahay. Ngayon niya lang na realize na parang nakita niya na ito sa kung saan. Bago pa ito lumipat malapit sa kanila ay parang na meet niya na ito.

“Ano bang buhay ’to oh. Ang tanda ko na pero wala parin akong boyfriend!” Bagsak ni Natalia sa basong hawak.

Nangingiti lang ang bartender na nasa harapan niya. Kung hindi lang ito gwapo ay baka sinermunan niya ito at sinabihan na huwag magpa-cute sa kaniya. Pero kahit wala naman itong gawin ay masasabi niya na cute parin naman ito. Ang abuhin nitong buhok ay kakaiba sa paningin niya. Bihira lang kasi sa lalaki ang may ganoon. Mukha itong banyaga. Hindi mo nga aakalain na isa lang itong bartender. Kapag nakita mo ito ay baka isipin mo pa na ito ang may-ari ng bar na iyon.

Ang The Hourglass Bar.

“Boss naman. Bakit kayo ang gumagawa niyan.”  Agaw ng isang binatilyo sa hawak na bote ng lalaking pinagmamasdan niya.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now