KABANATA 18

2.4K 89 4
                                    

Cabin To Stay

×××

Sabay na pinagmasdan nina Treyton at Natalia ang cabin na tutuluyan nila ngayong gabi. Dahil dalawa lang sila roong mananatili ni Treyton ay hindi mapigilan na makaramdam ng pagkailang ni Natalia.

First time niya kasing makakasama ang binata ng dalawa lang sila ng buong magdamag sa iisang bahay kaya hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Habang si Treyton ay mukhang wala man lang karea-reaksyon sa bagay na iyon na mabilis na tinahak ang pintuan ng kanilang cabin.

“Ano ba ’tong kasama ko, bato?” bulong ni Natalia bago sinundan ang lalaki.

So ayos lang sa kaniya na magkasama kami sa isang bubong?

Although gagawin rin naman nila ang pagsasama sa iisang bahay, ay iba pa rin kasi iyong first time.

Umuling-iling si Natalia. Siya lang ata ang nag-iisip ng hindi maganda kaya hindi siya mapalagay.

Malaki ang cabin para sa dalawa. Gawa iyon sa kahoy na may bintanang salamin. Wala iyong ikalawang palapag pero malawak ang sakop niyon. May maliit na kusina, sala, isang banyo at isang kwarto.

Isang kwarto? Nakagat ni Natalia  ang pang-ibabang labi dahil sa isiping iyon.

This is unbelievable.

Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip niya iyon. Dahil ang alam niya ay titira sila sa iisang bahay pagkatapos ng kasal pero magkakaroon naman sila ng tig-isang kwarto. Ngayon na naroon siya sa ganoong sitwasyon, parang gusto niya tuloy tumakbo. Kung may mapupuntahan nga lang siya ay aalis siya kaagad sa lugar na iyon. Pero paano niya iyon gagawin kung wala naman siyang telepono.

“Magbihis ka na.”

Napatingin si Natalia kay Treyton nang magsalita ito. Doon naalala ni Natalia na wala nga pala siyang dalang damit. Ang akala niya kasi ay maghapon lang ang pamamasyal na gagawin nila ni Grandpa Sebastian. Talagang wala sa plano niya ang nangyayari.

“W-wala a-akong damit.” pag-amin ni Natalia.

“Subukan mong tumingin sa kwarto. Kung si Grandpa ang nag set up nito malamang napaghandaan niya ang bagay na iyan,” sagot ni Treyton. Kilalang-kilala nito ang lolo.

Sinunod naman ni Natalia ang sinabi ni Treyton at tinungo ang kwarto. Dumiretso siya sa kabinet na naroon at natutop ang sariling noo nang makita ang mga uri ng damit na naka-hanger. Nakangiwi niyang kinuha ang isa at pinasadahan iyon ng tingin.

Ano ba ang iniisip ng lolo ni Treyton? Honeymoon nila ng apo nito?

Nangingiting tinapunan ng tingin ni Treyton ang maasim na mukha ni Natalia habang hawak nito ang isang nighties na kulay red. Sa sobrang nipis niyon ay para ng walang damit ang magsusuot niyon. It was all his Grandpa’s idea. Talaga naman.

“Grandpa!” Masahe ni Treyton sa noo.

Lumapit siya sa kabinet kung saan nakatayo si Natalia. Nagulat pa ito nang mapansin ang presensiya niya na agad ibinalik ang hawak na damit sa loob ng cabinet. Tapos tumalikod ito at diretsong lumakad palabas ng kwarto.

Dahil sa inarte ni Natalia ay lalo lang tuloy lumuwag ang pagkakangiti ni Treyton.

Cute...

Nang mapag-isa ay hinila ni Treyton ang drawer na nasa ilalim na bahagi ng cabinet. At mula roon ay nakita niya ang mga puting tshirt na sukat sa kaniya. Kumuha siya ng isa, bago binuksan ang isa pang drawer na mayroon namang mga boxer shorts at underwear na panlalaki at pambabae. Iyon nga lang mukhang walang kahit anong pantakip sa dibdib doon.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now