KABANATA 30

2.1K 83 3
                                    

Mother's Love


×××

Sa main villa sila nagtanghalian ni Treyton. Kasabay ang ilang kamag-anak nito na naroon parin sa lugar.

After lunch ay nanatili pa sila roon para makipag-kwentuhan. Paalis na sana sila nang isang kamag-anak nina Treyton ang dumating. Hindi ito naka-abot sa celebration ng wedding anniversary ng dalawang matanda dahil sobrang busy kaya ngayon lang sila humahabol.

Treyton yelled, “Uncle Gaston.”

Isang lalaki ang tinawag ni Treyton. Karga nito ang isang taong gulang na babaeng anak. Maya-maya ay may batang lalaki na tumakbo palapit dito at nang makita si Treyton ay agad itong pinuntahan.

“Uncle Trey.”  wika ng bata na nagpa-karga pa kay Treyton. Saglit lang iyon dahil ibinaba rin ito kaagad ni Treyton.

“Grabe ang bigat mo na Tonton ah. Ilang taon ka na nga ulit?” Paggulo ni Treyton sa buhok ng bata.

“It's not Tonton. It is Toniver. Psh!” simangot ni Tonton na ikinatawa lang ni Treyton.

“Gusto ko ng Tonton, bakit ba.” Muli namang ginulo ni Treyton ang buhok ng bata na nakasimangot na lumayo sa kaniya.

“I'm already seven uncle Trey kaya hindi mo na ako dapat na ituring na bata.”

“But in my eyes, you’re always my baby Tonton.”

“Uncle Trey...”

Natatawa lang si Natalia habang nakikinig sa pagtatalo ng mag tito. Ang cute kasi nilang pagmasdan. Doon niya lang rin nakita ang makulit na side ni Treyton.

Hangang sa isang ginang ang sunod na pumasok sa sala. Tumabi ito kay Gaston kapagdaka'y kinuha nito ang batang karga ng lalaki.

“Auntie Daisy...” tawag ni Treyton sa pangalan ng babae.

Mabilis na nabura ang nakapaskil na ngiti sa labi ni Natalia nang makita ang mukha ng tinawag ni Treyton. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na bigla na lang napatulala. She was ran out of words. Para siyang naputulan ng dila at nanatili lang na nakatayo habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa babaeng tila hindi napapansin ang presensiya niya.

Ilang taon na nga ba iyon?

Sa tagal ay hindi na niya maalala. Iyong sakit na lang na dulot ng pagkawala nito ang biglang nanariwa sa kaniya. Ramdam niya na parang may dumudurog sa puso niya habang pinagmamasdan itong nakangiti sa bago nitong pamilya. Iyong pagngiti na hindi niya na rin maalala kung nagawa ba nito noon nang sila pa ang kasama.

Why the world was so cruel? Bakit kailangan pa nilang magkita ngayon, dito sa lugar na ito?

Nanatiling nakatulala si Natalia habang ang sulok ng kaniyang mga mata ay nagsimulang maipunan ng butil ng luha na agad ring tumulo. Ramdam niyang may malakas na pwersang sumasakal sa dibdib niya kaya nahihirapan siyang huminga. Alam niyang kapag tumagal pa siya roon ay mas lalo lang siyang mahihirapan kaya nagmamadali siyang umalis at tumakbo palabas ng bahay. Kailangan niya ng sariwang hangin.

Pagdating sa dalampasigan kung saan siya nagtungo ay doon niya binuhos ang galit niya sa buhangin at pinagsisipa iyon. Hindi na rin niya napigilan ang tuluyang paghagulgol ng iyak. Pasalampak siyang umupo sa basang buhangin at isinubsob ang mukha sa mga palad.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now