Chapter 5: Meet the BadBoy

Magsimula sa umpisa
                                    

“ang ulo Ralph lumalaki..”-pang iinsulto ko sa kanya..

“abah.. totoo naman ahh..”at may gana pang magpout..

“tsk.. bakla..”pangaasar ko ulit sa kanila..

Natigil lang kami sa pagbubulungan ng may bigla kaming narinig na malakas na pagspike ng bola papunta sa amin.

Natamaan nga yung isa ehh..

“aray! Ano ba!!”-sigaw nung natamaan.

“bagay nga sayo!”-sigaw nung lalaki na kakarating lang..

Isa pa itong mayabang..

“sino siya??”-bulong ni Ralph dun sa captain nila.. namin na pala.

“Rex.. one of the greatest volleyball sa buong team..”-seryosong sabi ni captain..

Napatingin ako bigla kay captain parang napaka seryoso naman ata niya masyado pagdating sa walang kwentang lalaking to??

“but his attitude is much more animal than a original animals..”-nagngingitngit na sabi ni captain..

Edi pasaway siya. Tsk..

Hindi  umuubra sa akin ang mga ganyang lalaki..

“yow! Mga gunggong! May bago ba kayong sinasama sa samahan niyo? Pakilala niyo naman sakin para may bago akong pinagtritripan..”-palapit siya habang nagsasalita..

Nang nasa harap na namin siyang dalawa ni Ralph ay nag cross arms bigla si Ralph na para nagpapayabangan..

Lumapit ako sa kanya ng may seryosong pagmumukha..

Parang masarap asarin itong lalaking ito ahh..

“Cyril Austin..”-tapos nilahad ko ang kamay ko para makipagkamay..

Pero imbes na makipagkamay siya sa akin ang bigla niya akong sinuntok kaya napatumba ako sa sahig.

“Cyril..”

Tapos lumapit sa akin si Ralph.

“hey! Rex! What are you doing??!!”-sigaw ni captain..

Ehh.. t*r*n*do pala ito ehh..

Tumayo ako at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko..

“well, ganyan ako mag greet sa mga baguhang kagaya mo.. “-tapos bigla pa siyang ngumisi..

“hindi ako papatol sa isang t*ngang kagaya mo..”-pabalang kong sagot sa kanya..

Nangunot ang noo niya..

Akala siguro niya hindi ko siya susubukan..

“tama na nga.. ikaw rex.. kararating mo ang naghahamon kana agad ng away.. tumigil ka na nga..”-inis na sabi ni captain..

Tinaas niya ang pareho niyang kamay at nag salita ng “ok ok”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon at naglakad papalapit sa akin at bumulong sa aking mumunting tenga.

“tandaan mo ang mukha ito.. ito ang mukhang lalampaso sa pipitsuging kagaya mo..”tapos ay naglakad na siya palabas ng gymnasium..

Sinundan lamang siya ng mata papalabas ng gymnasium..

“pagpasensyahan mo na siya.. marami talagang may ayaw sa paguugali ng basagulerong lalaking iyon..”-inis na sabi ni captain..

Halata naman ehh..

“anyway, welcome sa team hayaan niyo na yung lalaking iyon..”

Tapos nilapitan na kami ng iba pang mga miyembro at nakipagkilala sa amin ni ralph..

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon