(Hahahaha! Nice try baby Pierce😘)

Pagbaba nya may dala dala syang flashdrive, "Gusto nyo bang manood ng movie? Love story? Action? Comedy o ano?" Ang hypher nya talaga ngayon. Siguro nakakain sya ng isang sakong asukal, tutal naman she likes to eat sweets.

Tumaas naman ng kamay si Cliff, "Meron bang the first blood dyan?" Binatukan ko sya, "Aray naman pare!"

"Umayos ka nga! Hindi nya alam yun." Bulong ko sa kanya.

"Wa--wala eh! Wait, magdadownload ako..." Tataas pa sana sya kaso pinigilan ko.

"Walang movie na ganun ang title. Love story na lang." Hindi ko man gusto ang mga ganyang story, pagbibigyan ko na sya ngayon.

"Okay!" Habang nagtatatalon pa sya sa may sofa.

Tingnan nyo kung gaano sya kaisip bata. Psh!

Charles POV -

(First POV ni Papa Charles.😍 So what does it mean? Hulaan nyo. Hahaha!)

10am ng makarating kami sa airport kasama si Papa, not my biological father but my stepdad pero parang totoong anak ang turing sa akin.

"Hindi ka pa ba sasabay sa akin pag uwi?"

"Hindi po muna Papa, may dadaanan po muna ako."

"Oo nga pala maalala ko, ngayon ang death anniversary ni Ayumi hindi ba?'

"Opo."

"Oh siya sige mag iingat ka ha? Magkita na lang tayo sa bahay." Tumango na lang ako.

Sumakay na ako ng taxi para bisitahin yung puntod ni Ayumi. Ngayon ang third death anniversary niya kaya ginawa tinapos ko na ang lahat ng trabaho ko bago kami umuwi dito para maka abot ako.

Pagkarating ko sa puntod niya ay inilagay ko sa tabi yung picture namin ni Yumi.

"Nakikita mo ba 'tong picture? Anak mo ang may salarin d'yan. Magpapapicture sana kami sa studio dahil kailangan niya sa assignment niya pero may nadaanan kami na photo booth malapit sa studio at doon na lang niya ako hinigit. Nakakatawa pa kasi naka formal attire kami pero pinag suot niya ako ng wig at kung anu anong props. Kakaiba yung picture namin pero proud na proud siya."

Hangang hanga na nga lang ako sa anak ko kasi kompleto yung pamilya sa picture nung mga kaklase niya pero imbis na mahiya ay proud pa siya, pinagmamalaki pa niya na nandoon lang daw yung mommy niya kasi may hawak hawak siyang angel wings.

"Ito isa pa, yung kaklase ni Yumi ang galing mag piano. Ngayon tinanong nung teacher nila kung sino pa raw ang marunong, aba nag taas siya ng kamay. Nung siya na yung nagtry mag piano, umiyak hahahaha-- bakit daw ganun yung tunog? Bakit wala daw sa tono? Hahahahha--"

Kwento lang ako ng kwento sa kanya dahil ang tagal ko rin na hindi siya nadalaw. Alam ko naman na hindi siya tutugon sa kahit na anong sabihin ko pero yung marinig 'man lang niya yung nangyari sa amin ng anak niya ay masaya na rin ako.

"Ang sarap sanang pag kwentuhan nung mga nangyayari sa anak natin kung-- nandito ka lang, sumasagot ka. Miss na miss kita."

Napatingin na lang ako sa kalangitan dahil tutulo na yung luha sa mga mata ko ng bigla namang may magsalita.

"Gusto mo ba ng sasagot sa mga kwento mo?" Pagtingin ko sa kanya ay inilapag niya yung bulaklak na dala niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Masama ba na dalawin ko yung bestfriend ko?"

Ayokong ayoko talaga na nagtatagpo ang mga landas namin lalong lalo na sa lugar na 'to, sa harapan pa mismo ng puntod ng asawa ko.

"Pwede ba na bumalik ka na lang mimiya pagka alis ko?"

"That's kind a rude. Alam ko naman na ayaw mo akong makita at maka usap lalo na sa harap ni Ayumi pero-- patay na siya, may magagawa pa ba siya? Come on Charles, wake up! Matagal na siyang patay, matagal ka na niyang iniwan, move on! Hindi na makakasagot pa--"

"Kung ayaw mo na bastusin kita, umalis ka na lang. Gusto kong makasama ang asawa ko please lang."

Bigla naman niya akong sinampal, "hanggang kailan? Hangang kailan ka magigising sa katotohanan na matagal ka na niyang iniwan?! Hanggang kailan ka magkukulong sa alaala ng nakaraan ha?!"

"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi mo mababago isip ko." Kaysa sa magtalo kami sa harapan niya ay minabuti ko na lang na umalis. Panay lang ang pag sigaw niya sa pangalan ko pero hindi ako lumilingon hanggang sa sinundan na niya ako at tumigil sa harapan ko.

"Ano pa?"

Ngayon ay punong puno ng sari saring emosyon yung mga mata niya.

"Kapag ba nalaman mo na buhay pa siya, babalikan mo ba siya?"

"Huwag mo na ako paikutin." Pahakbang na ulit ako ng higitin niya ako at ipakitanang letrato sa cellphone miya.

"Hindi ba si Ayumi 'yan?" Kahit tatlong taon na ang nakakalipas ay hinding hindi maaalis sa isip ko ang mukha niya. Sa mata, ilong, siyang siya. "I saw her."

"Is this for real?!" Kung anu ano na kasi ang ginawa niya noon kaya nahihirapan na akong paniwalaan pa siya.

"Totoo nga ang lahat ng mga sinasabi ko! Hindi ako nagbibiro. Siya nga si Ayumi, buhay siya, buhay na buhay--"

"If she's really alive then, where?! Where is she?!"

Dinelete niya yung picture sunod na nagpunas ng luha niya.

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Masaya na, masayang masaya sa piling ng ibang lalake!" Sa galit ko ay nahawakan ko ng mahigpit yung braso niya. "Hindi pa rin ba sapat sa'yo na may kasama na siyang ibang lalake ha?!"

Ngayon ay umiiyak na ulit siya kaya naman binitiwan ko na siya at naglakad na palayo.

"Sa'yo lang ako maniniwala Ayumi, sa'yo lang."

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now