S1 - #DKBMMulingPagkikita

Start from the beginning
                                    

"Hayaan mo sila wala akong paki alam, sa mamimiss naman kasi talaga kita e. Pagbigyan mo na ko 10 seconds nalang, ipower hug mo din ako yung mahigpit ah!" she said at nakayakap sa akin ng mahigpit. Sobrang lambing talaga nitong bff ko.

"Baby minsan iniisip ko type mo ko, kaya ganito ka nalang ka sweet sa akin. Pero kung naging lalaki ako mamahalin talaga kita." bulong ko sa kanya at bigla niya akong pinalo sa braso.

"Baliw! Sige na umalis ka na nga! Sige na babye na, yung mga bilin ko ah! Don't forget. " she said sabay punas ng mga mata niya, napaka iyakin talaga nito. Parang ayoko tuloy iwanan.

"Opo Nay, and please take care of yourself ha? Two weeks lang ako mawawala kaya pwede behave ka?" bilin ko at binigyan siya ng kiss sa cheeck.

"Yes boss! Oh siya sige na magboarding ka na. I love you baby ko!" she said sabay kiss ng mabilis sa cheeck ko.

"I love you too baby ko!" sabay flying kiss sa kanya at agad na akong umasok sa loob ng departure area.

🌹🌹🌹

I'm Althea Castro isang kilalang Arkitekto, actually I'm the head Architect sa firm na pinag tatrabahuhan ko. Sa loob ng limang taon ngayon lang ako umuwi ng probinsya namin, ang hirap kasi kapag nakasanayan mo na ang manirahan sa isang lugar. Tapos may kasama ka pa sa bahay na all in one, kapatid mo na, Nanay at Tatay mo pa kung umasta.

I am not a Mama's girl and Papa's girl, hindi kasi ako lumaki sa piling ng mga magulang ko. Pinalaki ako ng kapatid ng lola ko, siya nga lang ang naka kumbinsi sa akin na umuwi muna kahit ayaw ko.

Paglapag ng plane sa Naga Airport, ramdam ko na nasa probinsya na ako. Malayo sa kabihasnan, puro punong kahow at kabundukan ang makikita mo. At sinabayan pa ng isang bandang sumalubong, hay naku nakakahiya. Agad akong linapitan ni Inang ang nagpalaki sa akin at sinabitan ako ng sampagita. Mukha ba akong puon? 😐Si Tatay at Nanay naman nakikisayaw sa tugtog ng banda. Parang gusto kong lumubog sa hiya sa ginagawa nila dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. 😕

"Welcome home Althea!" sigaw nila nung matapos silang sumayaw. Agad silang nagsitakbuhan sa akin at inupog ako ng halik. Parang baby lang? Kung si Sarah okay lang pero sila parang gusto ko silang ipagtutulak.

"Nay Tay pwede ba, hindi na po ako bata." angal ko.

"Anak pasensya na namiss ka lang namin." sabi ng tatay Fernan ko.

"Tara umuwi na tayo, baka pagod na ang anak natin." wika ni Nanay hay mabuti pa nga.

Habang nasa daan kami papunta sa bahay namin, I received a text and 18 missed call galing kay Baby ko. Grabe siya oh, ang tiaga. When I open her text natawa ako ...

"Baby ko 😢 umuwi ka lang nakuha mo na akong tiisin. Pag uwi mo dito hu u ka sa akin!" {first message}

"I know your tired pahinga ka pag uwi ah? Hmmm text me before you sleep." {second message}

"Baby ko I'm start missing you 😢. Isinuot ko nalang yung hinubad mong damit sa unan, para di kita gaanong mamiss. I love you baby ko." {third message}

Ang sweet talaga ni Baby ko, napasmile ako sa mga text niya mareplyan nga. Ay hindi tatawagan ko nalang.

Dialing Baby ko ...

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ayaw mong sumagot!" inis niyang bungad sa akin hahaha.

"Chill baby ko, we're on our way na pauwi ng house. Ito naman masyado akong namimiss, wag ka nang magaling sorry na." paglalambing ko sa kanya.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now