S1 - #DKBMMulingPagkikita

13.6K 219 5
                                    

"Thea! Dyan ka na ba titira sa cr? Ilang oras ka nang naliligo, anong oras na oh!" sigaw ng best friend slash nanay kong si Sarah Asher Tamayo.

"Mommy ito na tapos na po!" sagot ko habang kalalabas ko lang ng bathroom.

"Bakit ba ang tagal mo? Parang hindi ka excited umuwi sa inyo. Ito na yung damit mo plinantsa ko na, dalian mo nga ang kilos, dapat mga 3 pm nasa loob ka na ng airport. Kung ganyan ka kupad gumalaw, sinasabi ko sayo maiiwanan ka ng eruplano." she said at busing busy sa pag aayos ng mga dadalhin ko sa pag uwi ko sa aking tinubuang bayan. Matapos kong suklayin ang buhok ko lumapit ako sa kanya at nagback hug.

"Bakit ba gustong gusto mo na akong umalis baby ko?" opsss baby ko lang lang ang tawagan namin pero hindi kami. We're best friends okay, wag kayong green minded. We're living in the same roof, kasi pareho kaming independent at gusto namin na walang nakiki alam sa amin sa mga bagay na gusto naming gawin. Pareho naming gustong patunayan ang mga sarili namin sa pamilya namin. Sarah is band vocalist at my boyfriend siyang isang hot papa si Gino. Ako naman, walang nagtatagal na lalaki sa akin hahaha isinumpa kasi ako na maging single forever, charot!

Ewan ko ba kung bakit walang nagtatagal sa akin, masyado daw kasi akong malalim at seryoso. Kaya walang nagtatagal kasi boring akong karelasyon, they said.

"Mamimiss kita ikaw pa? Hanggang kailan ka ba sa probinsya niyo?" she asked habang nakahug pa rin ako sa kanya habang linalagay niya ang mga gamit ko sa maleta.

"Two weeks lang, aattend lang naman ako ng wedding ni Soleen saka weeding ng kapatid ko. Mamimiss din kita, mamimiss ko ang best friend slash Nanay ko. Pero pwede habang wala ako wag na wag mong patutulogin dito si Gino. Kapag nalaman ko lang na senex ka niya humanda ka sa akin." banta ko at kiniss siya sa cheek. Kong siya Nanay ako naman over protective na best friend, syempre baby ko 'to eh.

"Ay sus! Hindi gagawin ni Gino yun noh! Teka di ba ikakasal na si Andrew yung bunso niyo, ikaw kailan ka mag aasawa? 27 ka na rin di ba? Wala ka pa bang balak magseryoso sa love life?" she asked napakalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Iniimagine ko palang na mapapakasal ako para na akong sinakluban ng langit at lupa, I can't even." maarte kong sagot habang nagboblower ng hair.

"Duh! Baka naman kasi baby ko, babae ang gusto mo." sabay sundot sa tagiliran ko.

"Tumigil ka ng Sarah Asher Tamayo, babae ako noh! Hindi ko lang talaga trip magseryoso sa Love Love na yan. At kapag nahuli ko yan si Kupido babaliin ko ang pakpak niya at mga pana para wala na siyang maperwesyo. Ang laki kaya ng naambag kong gastos sa pagpapakasal ni Andrew." depensa ko sa binibintang ni Sarah sa akin. Pagkamalan ba naman akong tibo, duh I can't even.

"Eh babae ka naman talaga baby ko, ang point ko baka si Heart mo iba ang type. Pero kung pusong babae ka talaga at di naniniwala sa love okay. I raise my hands up. Dalian mo na dyan, sarili mo na nga lang ang inaasikaso mo Althea Castro e ang kupad kupad mo pa!" kantiyaw niya sa akin dahil halos siya na ang nag impake ng gamit ko.
Ang swerte ko talaga sa best friend ko, that's why I love her so much. Kung naging lalaki lang ako liligawan ko talaga 'to, coz she's a wife material.

✈✈✈✈

Si Sarah na rin ang naghatid sa akin sa airport, habang nasa daan kami she keep on reminding me parang Nanay ko lang talaga.

At ito kami ngayon halos ayaw niyang maghiwalay, iyak siya ng iyak.

"Baby ko naman tahan na, nakakahiya sa mga tao oh pinagtitinginan na nila tayo." pag awat ko sa kanya sa pag iyak habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now