Mabangong amoy ang bumungad sa amin dulot ng iba't-ibang pagkain.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Ang daming pagkain!

Iginaya kami ng waiter sa isang table. Magkaharap kaming umupo.

Busy ako sa pagtitingin ng pagkain ng magsalita siya.

"Since ako ang nagdala sayo dito, libre ko dapat next time ikaw naman."

Bigla akong napalingon sa kanya.

"Libre mo talaga?"

"Ayaw mo?"

"Sabi ko nga libre mo eh hahahaha."

Wala na akong inaksayang panahon at pumili na ng kakainin.

Tips para matikman lahat ng pagkain sa buffet:
Una sa lahat, get a little bit of everything. Wag yung takaw mata. Konti konti lang para magkasya lahat ng gusto mong kainin.
Pangalawa, iwasan ang uminom ng tubig o kahit anong liquid. Madaling makabusog ang mga yun.
Pangatlo, since mag Pinoy tayo at hindi mawawala ang kanin sa ating pagkain. Make sure na ito yung huli niyong kakainin dahil paniguradong mabubusog na kayo doon.
Pang-apat, kung karamihan ng nakain niyo ay mamantika. Uminom kayo ng tea or maligamgam na tubig para hindi kayo mahigh blood.

Matapos akong makapili ay bumalik na ako sa table namin at nauna na naman siya sakin.

"Uy mukhang masarap yan ah! Penge!" kumuha na siya agad kahit hindi pa ako nakakaoo, dibale libre naman niya.

"Masarap nga!" kumuha ulit siya.

Napansin ko ang plato niya na pasta ang laman.

"Paborito mo ang pasta?"

Tumango siya "Pero number one ang palabok." at patuloy ang pagkain niya sa laman ng plato ko.

"Kumain ka ba?"

"Hindi."

"Ha? bakit?"

"Pinaghandaan ko 'to."

"Eh paano pala kung nagcommute ako at hindi mo ako nakita, mag-isa kang kakain dito?"

"Hindi na ako kakain dito. Hassle. Ang mag-isa lang ako. Parang tanga yun."

"Ah okay." pinagpalit ko ang plato namin. Halos maubos niya na eh.

"Ayun nakaramdam rin!" at nagpatuloy siya sa paglantak ng pagkain ko.

Nagpatuloy ang paglamon namin.

Tumigil lang kami para manuod ng mga nagluluto. May open kitchen sila.

Eto namang kasama ko ay parang bata na nanunuod ng kids show. Tuwang-tuwa siya.

"If you really love to cook, why didn't you take Culinary Arts?" I asked.

"Mas love ko ang magtravel. I can take a two year training naman after I graduate."

"What are your plans after you graduate?"

"Rest for a year then magtetrain ako under my father to handle our business. Tapos siguro 2 years pa and I can run it on my own na."

"Wait, kung ikaw din maghahandle ng business niyo bakit ndi business management ang kinuha mo?"

She rolled her eyes "Ugh kasasabi ko lang diba? I love to travel."

"Alam ko kaso diba para mas alam mo kung pano magpatakbo talaga ng isang business."

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now