Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang Detective at nagsimula na syang magsalita pagkaupo na pagkaupo namin.

"May lumitaw na witness tungkol sa pagkamatay ni Sir George. Pinakiusap nya lang na wag na banggitin kung sino sya." He stated.

May inabot sya na tig-iisang folder sa amin..

"Ang taong yan ang bumangga kay Sir George. " sabi nya.

Di na ako nagdalawang-isip at binuksan ko kaagad ang folder.

..

..

..

Pakiramdam ko ay nasuntok ako. I felt winded. For a split second, i wished na sana isa nalang tong isang masamang panaginip.

But no..

Totoo to, totoo lahat ng nangyayari.

I never thought that the world could hurt so much.

I've been through hell, but hell is nothing compared to this.

Ang Mama ni Reid ang pumatay sa Papa ko?

————×

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko habang niyayakap ang tuhod ko at umiiyak.

Kanina pa katok ng katok si Harry sa pintuan pero hindi ko sya pinapansin. Gusto ko lang mapag-isa.

Life is so unfair. How could other people be so happy while I'm here living the worst life?

May galit ba sakin ang mundo para iparamdam nya ang ganitong sakit? Ano ba ang kasalanan ko para maging karapat-dapat sa paghihirap nato?

Of all people.. Bakit ang Mama ni Reid pa? Bakit sya pa?

Bakit kailangan pang mangyari toh?

The mother of the man i love so much is the one who killed my father.

The one who left my father alone in the middle of the road until he died.

Gusto kong magalit, gusto kong maghiganti.. Pero paano? Paano ko masasaktan ang ina ng mahal ko? Paano ko magagawang maghiganti kung alam kong masasaktan si Reid?

Pwede bang maging selfless? Pwede bang isipin ko naman ang sarili ko? Ang tanong.. Kaya ko ba?

Life is so cruel.. To me.

Maraming araw ang nagdaan na nakakulong lang ako sa kwarto at walang kinakausap na kahit na sino. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsisink in sakin ang lahat ng nangyayari.

Nabalitaan ko nalang na nakakulong pala ang Mama ni Ried pero agad ding nakapagpyansa dahil wala naman talagang ebidensya na sya talaga ang nakabangga. Hindi na rin nagpakita pa ulit ang sinasabing witness.

Pumunta ito sa bahay namin ng ilang beses pero pinapaalis ito ni Mommy. Gusto kong maawa sakanya pero agad itong napapalitan ng galit.

She is the one who killed my father. Iniwan nya lang si Papa dun. Pwede naman nyang dalhin sa Hospital diba? But she didn't.

Lost StarsWhere stories live. Discover now