Ending

6.6K 162 56
                                    


Hi, thank you for reading Densel and Grace's story! I hope you'd enjoy reading it as I enjoyed writing (typing) every chapter! Sana'y basahin niyo rin kung pa'no nagkatuluyan sina Harry at Nathalie, Lana at Sebastian, at, Maggie at Newt! Ang kapatid muna ni Gideon ang siguro'y uunahin ko. The title of the story is Crash! Thank you so much! God bless you all!

Enjoy, Densel and Grace!

x


Ending

Fadeless


Mahigit kalahating oras ko ng hinihintay si Dylan sa labas ng kwarto. Aniya kinakausap pa niya si Mademoiselle de Carpio, isang designer at professor namin sa institusyon dahil may pinapakiusap ito. I'm all right with that. Pero isang oras na lamang mag-uumpisa na ang photo shoot ni Densel. Hindi naman malayo iyon mula rito sa institute. Kilala rin namin ang photographers ng campaign kaya pwede kaming makiusisa doon. Sabi ni Dylan susunod si Damon. Sandali lang naman daw iyong pakikipag-usap nito sa agency niya.

I looked at my wrist watch.

4:10 pm.

50 minutes.

My brows furrowed.

I faced the door. If my glare could burn this door to see what my friend was doing inside, I'd probably drag him out there if I saw him just laughing nonsense. I rolled my eyes at the thought. Kahapon pa malayo ang isip ni Dylan. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lamang siya. Parang may tinatagong kung ano. Si Damon ganoon pa rin. Kinausap ko si Densel kung napapansin niya ba iyong ginagawa ni Dylan. Aniya ganoon pa rin ito.

I was about to knock on the door but it suddenly opened. Bumungad si Dylan. Hindi ko na nabigyang pansin ang loob ng kwarto nang kaagad niyang isara ito.

"Hey there!" pambungad niyang batid.

Napakunot ako ng noo nang may ibulsa siya sa kanyang pantalon.

"My phone," aniya sabay irap.

"You look suspicious, Mademoiselle."

"You are," I bantered.

"Ha Ha Ha," he mocked then his gaze found my stomach. Nakagawian na ni Dylan na tignan ang tyan ko sa nang malaman niyang buntis ako. Kahit hindi pa naman ito halata. Sabi niya tinitignan niya lang kung may progress na raw. Progress my ass. But I still love him, though.

Umangat ang tingin niya sa aking mukha. My right brow raised at him. He talked in French. Sinabayan ko siya ngunit umayaw kaagad siya nang tanungin ko siya kung may tinatago siya sa akin. "Ganyan ba kapag preggy? Kung ano-ano iniisip?" Nag-umpisa siyang maglakad kaya sumabay na 'ko sa kanya.

I glared at his back.

"I'm untouchable. Don't glare at my back. Gusto mo bang ganyan ang inaanak ko?" aniya nang hindi nakatingin sa akin.

Pinantayan ko siya ng lakad. Some students in the hallway stared at Dylan. Maybe because he talked in Filipino.

"You are hiding something," I blurted out.

"In French please. I can't understand," aniya, pagkatapos tinapos sa French ang sinasabi.

I answered him in French but he ignored it. Iniba niya ang usapan hanggang sa makalabas kami ng institusyon. Bumungad ang malakas na simoy ng hangin at ang init ng araw. I protected my eyes by my hand. Si Dylan ay patuloy sa paglalakad, abala na naman sa cellphone, ngumingiti. Umirap ako at pumeywang nang maghintay kaming tumawid sa kabilang daan. Ilang nagbaba-bicycle ang dumaan sa aming harap. Ilang minuto rin ang hinintay namin bago makatawid.

Fadeless (ML, #5)Where stories live. Discover now