Chapter 3

4.2K 113 2
                                    

Chapter 3

If you don't like


Yakap-yakap ko ang mga libro na binigay ni Chico. Inalis ko ito sa paper bag at niyakap habang naglalakad. Pasimple ko 'tong inaamoy nang hindi napapansin ng mga tao sa mall habang kami ay papalabas.

"Halata ka masyado," ani ng katabi ko.

Tinignan ko siya ngunit papasalita na sana ako nang may ipatong na lang siya sa ulo ko. Iyong sumbrero niya. Halos naman wala na akong nakita noong ilagay niya 'yong sombrero kaya napahinto ako sa paglalakad. Inayos ko ito ngunit wala na akong katabi at nang lumingon ako sa dinadaanan ay papalabas na siya ng mall.

"Chico!" Napatakip ako ng aking bibig nang hindi ko sinasadyang isigaw ang pangalan niya. Napayuko ako at nagtatakbo para maabutan siya.

Nakakahiya! Nakakahiya!

Hingal na hingal ako nang maabutan siya sa parking lot. Siya naman ay hawak ang phone niya nang bubuksan na niya ang pinto ng Fortuner. "Ngayon ba?" ani Chico sa kinakausap niya sa phone. "Sige, pupunta 'ko," he added and ended the call. Iyon lang iyong oras na tumingin siya sa akin at kumurba ang labi niya.

"Nice," I said, greeted my teeth.

"You're welcome, love," anito at kinuha ang sombrero sa aking ulo nang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Ngunit nang ilalagay na niya ito sa ulo ay pinalo ko siya noong librong binigay niya.

"Isa!" I warned him. I don't want him to call me like that. It is something I like to hear to a fictional characters not to him. I just don't like it, hearing him saying something like that. Basta! Ayoko! Niliko ko na lang ang usapan, "Sino 'yong kausap mo?" I asked.

"Lorie," sagot niya at inayos ang sombrero sa ulo. His eyes pierce at me.

"Lorie? Sino 'yon?" My forehead creased.

But Chico's lips slowly curving to a lopsided smile. "Lorie Tolentino. Interesado ka bang malaman kung anong pinag-usapan namin?" he said, still giving the uneven smile like something I am curious. But heck, yes, I'm curious!

"Saan mo nakilala? Hindi ko kilala," ani ko. I am still having the serious face, trying hard not to react on what he said. Urgh! Bakit ba napu-frustrate ako? "You met her, where? Ngayon mo lang yata na-mention sa 'kin 'yong Lorie?" I added. Ugh! Stop talking! Let him explain about that girl, Carmela Grace!

"Just someone," he said and shrugged his shoulder. But I know when Chico is teasing me. He is going to stare at me until its frustrate me and my traitor mouth say the words. Like right now. He is annoying me.

"Don't know her, really." I look away. Pero sinusubukan ko na alalahanin iyong Lorie Tolentino sa aking sistema. Sino ba 'yon? Sino ba 'yon kay Chico? Heck! Heck! What am I thinking? "Uy sino 'yon? Nakita ko na ba 'yon?" tanong ko muli ngunit binuksan na ni Chico ang pinto ng kotse at sumakay na siya roon.

Napaawang ako ng bibig ngunit agad akong nakabawi. Mabilis akong kumilos na maingat habang hawak ang mga libro na bigay niya. Binuksan naman niya iyong pinto mula sa loob ngunit nandoon pa rin 'yong nang-aasar niyang ngiti.

But I gave up. "Fine, it's okay. H'wag mo na lang sabihin." Tumingin ako ng diretso sa daan. Ini-start naman niya ang engine at pinaandar ang kotse. Narinig ko ang paghalakhak niya ngunit nanatili pa rin ako nakatingin sa daan.

"Wala lang 'yon. Hayaan mo na," anito.

"Hinahayaan ko naman ah," sagot ko. But I'm still not looking.

"Really?" he said, still teasing.

What? Paanong...nevermind!

"Hayaan mo na," I said in a calm way. Binaba ko ang dalawang libro sa lap ko pagkatapos ay binuklat 'yong isa. "Magbabasa na lang ako," I added. Pero unang sentence palang ng chapter 1, hindi ko na maintindihan. Other words invading my head.

Fadeless (ML, #5)Where stories live. Discover now