Chapter 32

3.5K 103 4
                                    


Chapter 32

Can't figure


Ngumuso ako na tila kunwari abala sa binabasa kong campaign ads. Nilipat ko sa ibang papel ang atensyon ko. Ngunit sumasalit naman ang tingin ko sa nagaganap na shoot sa loob ng opisina namin ng team ko. Ako lamang ang hindi nanood sa photo shoot. Fine, sumisilip ako kapag nagtatawanan sila. Ang ingay kasi...saka sina Newt at Densel ang bida sa shoot. It is photographed by Conrad. Si Marco ang nagmungkahi na magkaroon ng shoot sa loob ng opisina. Mas maganda raw ito para sa campaign, sa advertisement, o sa media.

Okay naman sa akin iyon. Sumang-ayon ako sa gusto ni Marco. I know he knew what's the best for the show.

Nilipat ko muli ang mata ko sa mga papel sa ibabaw ng lamesa ko. I liked everything. The campaign for my collection and of course, Dylan. Speaking of him, sinilip ko ang pwesto ni Dy na ngising-ngisi pinapanood ang shoot. Katabi niya sina Freya at Clark. Si Clark kinukuhanan ang BTS ng shoot for the after party event.

Tinignan ko ang dalawang bida sa photo shoot. Newt and Densel. They are effortlessly posing. The face...the expression...the right body shape for Dy's design clothes or mine is amazing. Maybe these two are born to be here in this industry. Densel is still a novice but he acts like a professional one. I know how good Newt. I can't imagine they are wearing our design. Isa sa mga pangarap namin ni Dylan ay makita namin ang mga ginawa namin na suot ng mga tao. Makita namin sa mall. We'd even daydream to have our own fashion line. Wala namang maling mangarap ng mataas. But why not, kung may opportunity man na dumating, kukunin na namin ito.

"Grace?"

Napailing ako nang may tumawag sa akin. Hinanap ko kung sino. I saw everyone's looking at me.

"I'm sorry. I'm spacing out," ani ko sabay tawa. "Who called me?" Tumayo ako. Inayos ko ang suit jacket sa akin. Hinawi ko ang strand ng buhok na malapit na sa aking mata. Hindi ako natakot sa mga matang nakatingin sa akin. I've learned confidence. I'm not afraid of their eyes anymore.

"Will you join these two?" It was Conrad. Napalunok ako sa sinabi niya.

"Excuse me?" I know i've heard him right. But I want it clear to my ears.

Naglakad ako papunta kina Dylan ngunit napatigil ako nang magsalita ang magaling kong kaibigan.

"I told Marco to pair Grace to Densel kasi siya naman ang gumawa non. It's for the ad naman. Then ako kasama ko si Newt because it is my design? We all agreed to it. Violent reaction?" ani Dylan, sumisilip ang kalokoahan sa ngiti.

Para akong isdang pabuka-buka ang bibig. Kaagad akong nakabawi at tumingin sa sobrang galing kong kaibigan.

"Good idea," I said, feeling irritated. Minata ko si Dylan. My fists clenched. "Pa'no mo naisip 'yan?" dagdag ko. I gritted my teeth.

Kung pwede siguro nakakamatay ang tingin, patay na 'tong si Dylan.

"I'm amazing, Grace," mabilis na sagot ni Dy.

"Boom!" Newt shouted, smirking.

Am I missing something here?

Lumipad ang bulungan sa loob ng opisina. Nakita ko ang dalawang taong abala sa harap ng computer sa pagtingin ng mga larawan. Si Marco na napatigil sa pakikipag-usap sa telepono at nakatingin sa akin. Si Conrad na 'kala mo walang pakelam ngunit ngumingisi na. At ang team ko na tila hangang-hanga sa nangyayari.

My brow cocked, looking at the most evil person I've ever known in my life, Dylan Troye Devil Sandoval. Maang-maangan naman ang tingin niya sa akin na nagkukunwaring inosente sa mukhang ibinibigay. Hindi ako nagpatalo. I'm still winning. Let's just see this one. Hindi ako uurong.

Fadeless (ML, #5)Kde žijí příběhy. Začni objevovat