Chapter 26

3.7K 98 5
                                    


Chapter 26

Back down


To Dylan:

Hindi tayo sa kanya sasabay pag-uwi. :))

Nilagay ko muli ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro na kinuha ko sa maliit at magandang bookshelf na mayroon ang The Bookyard Cafe. Maliit lamang ang cafe ngunit sobra mong ma-appreciate ang lugar nito. The ambiance is good. Sa mga bean bag ka mauupo, ang mesa'y maliit ngunit I like the design.

Sa gitna kami pumwesto. Dylan told us na siya ng bahala sa pagkain...sa orders ngunit naabutan lang namin siya sa tapat. Hell...

Nang kami'y pumasok, sinalubong kaagad kami ng bati ng dalawang lalaki. They gave us a menu. I smiled when I saw the unique names of their menu. Dumating kaming dalawa lamang ang customer ng cafe. I'm glad that we can occupy the middle part. Kagabi, iniisip ko talaga na sana iyon ang ma-okupa namin. I sighed a relief.

Paubos na ang inorder kong Citrus Noringai. I can't read the lines in the book because of Dylan's high voice. Tuwang-tuwa siyang natatalo niya si Densel sa laro nila, uno cards. Here in Bookyard Cafe, you could play and use their cards. Sa ingay niya hindi ko makuhang maintindihan ang libro. Halos nangangalahati palang ang mga frappe nila. Dylan ordered Nichocolas Sparks. Tuwang-tuwa siya sa pangalan ng frappe. I rolled my eyes. Densel ordered David Vanillevithan. He adored David Levithan's books. Maybe it his reason why he ordered it or maybe because of the flavor. I don't know. I don't have any idea anymore.

Then we just ordered, two Nachosen One. Ubos na nga iyon sa ngayon.

Hindi pa rin naalis sa akin ang sinabi ni Densel sa sasakyan. Para ngang wala lang ang nangyari kanina. Don't worry, I won't mind it. Ngayon lang siguro dahil sa presensya niya. I used to this feeling. I can get over it.

I texted Dylan again.

To Dylan:

Come on!

Dylan's phone buzzed. Napatigil siya ng paglalaro. I focused my eyes on the book. I could feel someone's staring at me. Nanatili kong niloloko ang sarili ko sa pagbabasa.

"Grace, nandito lang ako sa harap mo bakit kailangan mo pa 'kong I-text?" Halos mabulunan ako sa sinabi ni Dylan. I eyed him immediately. Naglaro naman ang ngisi niya sa labi. Shut your mouth, Grace. Shut it. "Oo na. Hindi na tayo sasabay kay Densel. Maistorbo pa natin siya, 'di ba? Aggressive mo pa naman..."

Nagtipa ako ng mensahe sa aking telepono habang nanlilisik ang mata kay Dylan.

To Dylan:

Fck u.

"I love you, too. We could talk, babe. Don't use your phone," nang-aasar niyang sabi, sabay baba ng cards. Tumingin siya kay Densel. "Pasensya na...masyado talagang—"

"No. It's fine," kalmang sabi ni Densel. I saw his jaw moved and looked away.

"It's getting late..." is all I could say. Tumayo na 'ko at nilagay ang bag ko sa balikat. Sumunod na tumayo si Dylan. Nantatiling nakaupo si Densel. He wasn't looking at me, but on Dylan. Kumuha ako ng pera sa bag. Nilapag ko sa mesa. "Hindi ka pa ba aalis?" I asked him. Densel. Bumaling ang atensyon niya sa akin. His eyes found my chin. Umiling siya ng mabagal.

"Ako na," ani Densel, kinuha ang pera ko sa mesa.

"No," mabilis kong angal. "Bayad natin 'yan. Ako naman ang nag-aya kay Dylan..." dagdag ko.

He is still not looking at me. Patuloy ang pag-igting ng panga niya sa pagpipigil. Sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay.

"Okay, baka magkagulo pa. Ibabayad ko na 'to," awat ni Dylan. Kinuha niya ang perang nasa kamay ni Densel at nagbayad.

Fadeless (ML, #5)Where stories live. Discover now