Chapter 4

4.1K 113 1
                                    

Chapter 4

Day with me


"Tell me what you can say about these books..." ani Chico pagkababa ko sa kotse. Binigay niya sa aking iyong mga libro. Tumingin ako sa gate namin at hindi naman ito bukas. "Kahit iyong isa lang 'dyan," he added. Pinaloob niya ang kamay sa kanyang ripped jeans. He gave me a sly smile. Baka iniisip nito na hindi ako makakatapos ng libro? Does it mean na hindi ko matatapos 'to...kahit 'yong isa lang?

"Fine!" Tumaas panandali ang aking kilay ngunit lalong ngumisi si Densel sa sagot ko. My lips were ready to say some words but someone cut me off.

"Kuya Chico!"

Parehas kami ni Chico na napatingin sa likod. Humahangos si Gian kasama si Miriam na mother niya. Kapitbahay namin. Tatlong taon lang si Gian. Maagang nabuntis si Miriam at iniwan siya ng boyfriend niya nang malaman ito. She was 18 back then. I don't how hard it was. I never been in that position. May isusugal ka talaga kapag sa pag-ibig. Kahit hindi mo alam kung anong kahihinatnan, itutuloy mo pa rin at isusugal mo pa rin ang lahat kasi masaya ka. Pero hindi mo alam kung permanente o sandali lang 'yong kaligayahan. Pero ang tanong, may permanente ba? Madali bang kumupas ang pag-ibig kapag hindi ka na masaya? Or is it really love?

It reminds me of someone.

"Kuya!" Hinila niya ang jeans ni Chico sa parteng binti nito. Ngiting-ngiti naman si Gian nang lumuhod si Chico. That made me smile at the scene. "Fanchico! Kuya Franchico!" Chico patted his head and laughed at Gian.

Si Gian ang nagbigay ng palayaw kay Chico. Hindi niya kasi ma-pronounce nang maayos ang Francisco when he saw Chico's ID dati. It was Densel then and Chico now. It sounded like some pet name though so I liked it! It was some kind of revenge. Siya naman ang nauna sa mga ganito sa pagtawag niya sa akin ng love because I loathe it. Sa una ayaw niya ng Chico hanggang sa kumalat na ito dahil sa akin at naging okay na sa kanya. Iyon ang nakakainis dahil hindi siya nainis!

"Gusto ko po 'yan!" Nagtatalon si Gian at tinuro ang sombrero ni Chico. He tried to reach Chico's cap but Miriam came and hold Gian.

"Gian!" tawag ni Miriam. "H'wag makulit." Ngunit nagpupumilit si Gian at naibaba ni Miriam. Nataranta ito. "Gian! H'wag—"

"It's okay," Chico finally said. He looked at her. Miriam cheeks flushed at Chico's look. "Okay lang," He smiled. Lalong naging halata ang pagpula ng pisngi ni Miriam. I gulp, looking at Chico's smile. That's...nevermind!

Tinanggal ni Chico ang sombrero niya at binigay kay Gian. Tuwang-tuwa naman ito na nagpaalog ng mataba nitong pisngi. Niyakap pa niya ito sa binti. "Salamat...po!" magiliw na sabi ni Gian.

"Pasensya ka na," Miriam said, touching Chico's shoulder. "At salamat," dagdag nito.

"It is just a cap," ani Chico.

"Kahit na," ani Miriam, her cheeks are still red.

Oh.

Both of them are smiling. And Miriam is still touching Chico's shoulder. That's...

"Chico!" I said. Urgh! Bakit? Bakit ko tinawag ang pangalan niya? Bakit!

Sabay silang tumingin sa akin.

"Bakit?" asked Chico. There was something on his look...something on the curve of his lips that made me look like a jealous friend who always want his attention. Heck! Hindi pwede 'yon! I look at Miriam, na hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin niya.

"Ah—" Someone saved me!

"Mama! Uwi na tayo!" Gian interrupted me. Hinawakan niya ang kamay ng Mama niya at hinila-hila sa kagustuhang umuwi.

Fadeless (ML, #5)Where stories live. Discover now