Chapter 37

3.3K 86 5
                                    


Chapter 37

Palayo


Naiwan akong mag-isa sa pool nang kunin na ni Clau si Claire. Aalis kasi silang mag-ina pati na rin ang bagong boyfriend niya. Sina nanay at tatay namamahinga sa kwarto nila. It is Saturday and I don't have any plans to do this night. Nasa bakasyon ang mga kaibigan ko, enjoying Cebu. Hindi nagsisinungaling si Dylan na mag-a-upload siya ng pictures sa group chat namin o kaya ipo-post niya sa wall ko ang pictures nila ni Damon o ang sarili lang. Malapit ko na ngang I-block muna 'tong si Dylan sa pinaggagawa.

Kahapon, nag video call. Nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari sa akin at sa kanya. Wala siyang imik noong ikwento ang tungkol kay Densel. He only said, keep it up. Anong gagawin ko sa tatlong salitang iyon? Madaling araw na natapos ang kwentuhan namin ni Dylan. Iee-explore pa raw nila ni Damon ang Cebu.

Umahon ako sa pool. Kinuha ko ang robe at pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso ako sa kusina upang uminom.

The door bell rang. I have no choice. Tinali ko ang robe at nagmamadaling lumabas ng bahay. Binuksan ko ang gate at ang bumungad sa aking si Dani. She is smiling wide and her eyes are already pleading. Sa likod niya may pamilyar na pick-up truck. I bit my lip and my eyebrows furrowed in seconds.

"Sama ka na sa 'min, Carmela? Sige na!" Kinuha ni Dani ang kamay ko at nilagay niya ang dalawang kamay, nangungumbinsi. Nilakihan niya ang mata. "Please? Please? Please? Nandyan naman si Chico? Mas maganda kung tayong tatlo, sige na!" patuloy niya.

Sumilip si Densel na nasa sasakyan niya. Tumitig lamang siya sa akin.

"Eh..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa totoo lang, ayoko. If this was the Carmela, she would say yes immediately. She doens't want to turn this down. But learning to say no, I already know where to use this statement. Don't be afraid to say no, if you don't really like it. "I'm sorry, Dani..." Lumipat ang tingin ko sa mukha niya.

"May plano ba kayo ni kuya today?" tanong niya.

Umiling kaagad ako. "Wala."

Tumango si Dani. "Ah...sige..." Mukhang malungkot ang tono ng kayang pananalita. "Una na kami." I nodded and gave her a small smile. Hindi ko na nilingon sila—si Densel nang tumalikod si Dani at pumunta na sasakyan. Sinara ko na lamang ang gate.

Pumasok na 'ko sa loob ng bahay na dala-dala ang alinlangan sa aking loob. I don't have any plan today and I'm complaining about it yet I turned Dani's offer immediately. Maybe I am too occupied of things I shouldn't be thinking.

I breathed a sigh.

Umakyat ako at pumunta na lamang sa aking kwarto. Nagdiretso ako sa aking banyo at naligo. Kasabay nang pag-agos ng tubig sa aking katawan sinabay ko ang pag-alis ng mga iniisip ko sa gagawin ng dalawa. Sina Dani at Densel. Sinabay ko sa tubig ang mga posibilidad. But i'm wrong, it only stayed in my head. Damn it.

Damn it, Grace.

Where's your head at! Focus only on things that matters!

**

Pagkaligo, hinanap ko kaagad ang cell ko. May text message akong natanggap kay Dani. Aniya nasa RepublicX lamang sila ni Densel kung gusto ko pa raw sumama sa kanila. Noong una nag-alangan akong hindi na pumunta ngunit hindi ko na nakakayanan ang mga iniisip ko.

To Dani:

Papunta na 'ko. Thanks.

Mabilis na sumagot pabalik si Dani.

Fadeless (ML, #5)Where stories live. Discover now