Chapter 40

3.2K 93 13
                                    

Chapter 40

Free


Lumipas ang ilang araw, kinakabahan ako kapag tumitingin sa kalendaryo. I don't want to count days. Kung ilang araw na lamang ang mayroon ako rito at mananatili na muli kami ni Dylan sa Paris para sa aming pangarap. Natitiyak akong marami akong mami-miss sa pag-alis ko muli. Pero ganoon talaga, sakripisyo para sa pangarap.

Ngayong araw, hindi ako mananatili sa opisina ngunit sa isang photo shoot. Sasama si Dylan sa akin papuntang Pinto Art Museum sa Antipolo. Jared requested us to go and see the shoot. To help. The reason. Of course, umoo na kami ni Dylan. Dylan's reason: IG worthy.

Fine.

Speaking of Dy, I could sense that he was a bit disappointed of me. Wala pa rin kasi akong aksyong ginagawa sa nangyayaring pag-uusap namin. I am disappointed, too, with myself. Akala ko rin confident na 'kong makakapag-usap kami ni Jared. But I was tongue tied, I can't. Pagkatapos nang makita ko sa bahay nila? Sa kwarto ng kapatid niya? Si Dani at Densel. Maybe, maybe, they have something now. The thought of them make my heart ached and regret things. Siguro'y huli na 'ko. Wala namang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko.

Is it really hard to decide? Because I? I am exhausted, thinking for the right decision. Dahil sa katagalan, may nawawala. Some things never last. Some things never stay. That's it? Some love could fade so easily? I wonder if it is still love? Love stays. What is it, then? Is it still love or other emotions?

I breathed a sigh.

Sinampal ko ang sarili ko.

Stop over thinking, Grace!

Kahit ngayon lang!

Lumabas na 'ko ng aking kwarto pagkatingin ko sa salamin. Sa sala naabutan ko ang kapatid ko, si Clau saka ang anak niya nanonood ng palabas sa telebisyon. Nakaupo sila sa couch, magkatabi. Wala yata ang boyfriend niya. Tumingin si Claire sa akin, "Tita!" she beamed. Her big eyes twinkled. Palaki ng palaki, nagiging kamukha ni Clau ang anak niya.

I smiled.

"Sina nanay?" I asked my sister.

Nanatili ang mata niya sa pinanood habang kumakain ng cookies. "Sa kwarto nila natutulog..." sagot niya, "Maaga nagising 'yon kanina..."

"Baka gabihin ako. Pero nasabi ko na kay tatay kahapon..." ani ko.

"Noted!" ani ng kapatid ko, ang mata'y sa palabas pa rin.

"Aalis na 'ko," ani ko. Tumingin na lamang ako kay Claire at ngumiti pagkatapos ay naglakad na.

Bago makalabas sumigaw si Clau, "Nga pala, may pinadala si Jared na bulaklak. Nagkabalikan na pala kayo? Buti pa kayo!" I looked at her over my shoulder. I could sense something. My brows furrowed for minutes.

Umiling ako. "Hindi," I answered back.

Kumunot ang noo ni Clau. "E bakit pa siya nagpapadala?"

Nagkibit balikat na lamang ako at nagdiretso na sa labas. Saktong may bumubusina sa tapat ng gate namin. Napangiti kaagad ako nang pumasok sa isipan ko si Dylan. Patience, my friend, Dylan. Palabas na 'ko ng bahay. My phone buzzed inside my pocket. Ito lamang ang dala ko, walang bag o anoman. Hindi ko pinansin at naglakad na lamang hanggang makalabas.

Bumungad ang Chevy ni Damon. Bumaba ang bintana ng SUV.

"Tagal mo, girl!" He rolled his eyes.

Tumakbo na 'ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Sumakay kaagad ako at umupo sa passenger seat. Naglagay kaagad ako ng seat belt at tumingin kay Dy. "Hindi naman, Dy. H'wag kang exag 'dyan..."

Fadeless (ML, #5)Where stories live. Discover now