Chapter 25

4.1K 114 6
                                    


Chapter 25

I won't


Umaga'y nakasabay ulit namin si Densel sa pagdya-jogging sa Circle. Ligayang-ligaya ang mukha ni Dylan sa pangyayari. I shrugged the thought immediately. Kamustahan lang naman ang nangyari dahi tinuon ko ang atensyon ko sa aking pagtakbo. Ilang usapan ang binuksan ni Densel ngunit isang salita lamang ang mga sagot ko o kaya'y tango. Si Dylan ang sumasagot minsan. I saw Densel's brows furrowed when Dylan answered instead of me. Wala naman sa akin iyon. Sumabay na nga 'to sa amin sa pagtakbo. Pinagitnaan nila ako ni Dylan. Nag-uunahan sa aking atensyon.

Itong balak ni Dylan wala namang patutunguhan. Ilang beses ko siyang sinamaan ng tingin sa ginagawa niyang pagkuha ng atensyon ko at ni Densel.

Dylan is freaking teasing Densel. Sinusubok niya ang pasensya nito. Hell! Ewan ko ba't kung ano na lamang ang pumasok sa utak nitong si Dylan. Nakakasura ang ngising binibigay niya sa kin. Hindi pa ba halata...God. Dylan is acting like a damn man, but he's not. Grabe!

Umupo ako at hinayaan ang dalawa na mag-usap. Pinunasan ko ang aking pawis pagkatapos uminom ng tubig. Habang umiinom, tinignan ko ang oras sa aking telepono. Nanlaki ang aking mata nang makita mag-alas-otso na!

Napatayo ako, at tinawag kaagad ang magaling kong kaibigan. "Dylan!" I shouted.

Both of the guys looked at me. I bit my lip. Tumitig lamang akong kay Dylan. "Yes, babe..." Dy answered.

Shit.

Sinamaan ko kaagad ng tingin si Dylan. Hindi pa ito at kumikilos ngunit iyong katabi niya'y papapunta na sa aking pwesto. Napansin ni Dy iyon kaya napatakbo ito upang unang makarating sa akin.

"Anong oras na!" Si Dylan ang tinitigan ko pagkasalita ko. "Tara na," aya ko.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Densel sa lapit niya sa amin. "Una na kami," ani ko, sabay tingin sa kanya. Damn, the bullets of sweat on his arms. Para bang kumislap ito dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Naniningkit akong tumingin sa kanya dahil sa sikat ng araw. Siya nama'y hindi hirap na hirap dahil sa baseball cap na mayroon siya sa ulo.

"Hatid ko na kayo," ani Densel. It wasn't even a question. It was an offer. His face flinched when he looked at me. Sabay niyang inalis ang cap at nilagay sa aking ulo. I was shocked. Napalunok na lamang ako kahit parang wala lang sa kanya ang ginawa. "Tara na," aya ni Densel.

Akala ko kukunin niya ang kamay ko. Ngunit hindi...

May kumurot naman sa aking likod. I looked at Dylan. He's about to explode his feelings. He's giving me a look. I can't take this anymore, Dylan! Inalis ko ang kamay niya sa aking likod.

"Densel, h'wag na! I have my car! And man, sa hotel ko kasi pupunta si Grace ngayon," Dylan said. He pulled me closer to him. Napatitig na lamang ako sa kamay niya sa aking bewang. Sumaludo si Dylan sabay ngiti kay Densel, "Dude." Mabilis kaming tumalikod ni Dylan upang maglakad palayo sa pwesto namin kanina.

I don't know what to say. Takang-taka akong naglalakad kasabay ni Dylan.

"You don't have a car, Dylan..." I said.

"Wala talaga," halakhak ni Dy.

"What the—" I was interrupted when his finger is on my lips.

"Bad lips," he whispered. "You know what, he's about to kill me," he added and laughed so hard. "Such a possessive human being. Mas lalo kong namimiss si Damon sa ginagawa ni Densel. Girl, hat's off!" dagdag pa nito. "Please, akin na lang 'yang cap ni Densel," he giggled. Tinignan pa niya ang likod dahil siguro tinitignan kung nandoon pa rin si Densel.

Fadeless (ML, #5)Where stories live. Discover now