Chapter 14

2.9K 67 7
                                    

Chapter 14

Fool


Walang umiimik sa amin noong kami'y nag-agahan. Ang iyak lamang ni Claire ang nag-iingay sa buong bahay. Parehas tahimik ang mga magulang namin ni Claudia. My sister is giving me a cold treatment. And I don't know why...parang ako pa ang may kasalanan ng lahat ng ito. Pakiramdam ko sa kawalan ko ng trabaho isang dahilan upang magdulot ang ganitong pakikisalamuha. Para bang nasa digmaan ako na wala akong dalang kahit anong panlaban. Parang pakiramdam ko ako ang puno't dulo ng lahat kahit wala naman akong ginagawa. I felt guilty.

Sa hirap ng buhay namin ngayon, isa pa 'ko sa hindi nakakatulong. Sa maliit na kita nina nanay at tatay, paano na ngayo'y nandito na sina Claire at Claudia. I need to work this out. I need to do something. I need to something right...now. For my family. For my sake. For the future. I don't want to be stuck...


The thing is, I don't know what to do... Parang bang may sumama pa sa problema ko. Hindi ko maalis. Hindi ko maihawalay. Hindi ko alam kung anong uunahin. I can't think straight. Sa pamilya. Sa trabaho. At kay Chico...Pakiramdam ko tama ang aking hinala na may problema sa aming dalawa...

May narinig akong tumawag na aking pangalan sa labas. Sinilip ni Clau sa bintana kung sino iyon habang buhat si Claire. Ngumingisi siyang humarap sa akin. Kumunot ang noo ko sa tingin na binibigay niya.


Clau shook her head. "Si Leigh, may favor siguro ulit," aniya. "Ano ka ba sa pamilyang 'yon, Carmela? Utusan? Puppet? O baka aso? Sunud-sunura—" Hindi ko na siya pinatapos at tumayo na lamang. Naramdaman ko ang tingin ni Nanay at Tatay sa 'king, ngunit ininda ko lamang. Nagpatuloy ako hanggang sa nakalabas ng bahay.

Sa gate ay nakita ko kaagad si Leigh, kambal ni Chico. They don't look alike. But I know how beautiful Leigh is. Alam mo na kaagad na ang kutis niyang pangmayaman. Malaporselana dahil may lahi. Ngunit hindi halatang Chinese sila ni Chico dahil hindi singkit ang kanilang mga mata.

I bit my lip.


Binuksan ko ang gate. Agad na sumalubong ang mata ni Leigh sa akin. May pakiusap siyang tumitingin sa akin. Pumasok siya sa aming bakuran.

"Bakit?" I asked her.


Binigyan niya ako ng maliit na ngiti. She was uncomfortable, but she looked at me straight. "Ano kasi..." She trailed off. Napakagat ng labi. "This is going to be last..." she added.

I get it. Umiling kaagad ako na nagpatigil kay Leigh. Pero kapag naalala ko ang mga pag-uusap namin ni Chico tungkol sa kanya, hindi ko maiwasan pagbigyan siya.

"Sige na. Please, Carmy ko please, last na 'to!" She raised his right hand. I was in between of letting her and not gonna let it happen.


"Last? Last? Noong isang araw ginamit mo rin ang pangalan ko kay Yuan para makagimik ka tapos ngayon kailangan mo ulit? Aba sumosobra na hata?" I don't know why I rolled my eyes. This is not me. Nagulat pa si Leigh sa aking reaksyon. I felt guilty.

"Pero kasi..." Leigh trailed off, and bit his finger for second. Umiwas siya ng tingin sa akin, at nakonsensya sa aking sinabi. "Okay. Sige na. Okay lang kung—" Nakosensya rin ako sa aking reaksyon.


I interrupted her.

"Argh! Kainis! Sige na nga!" I said.

Fadeless (ML, #5)Onde histórias criam vida. Descubra agora