I wanted to apologize to her but i didn't, baka isipin nyang nagbago ang isip ko. Mas mabuti ng naging mean ako sakanya para lubayan nya na ako.

Akala ko sasampalin nya ako ng humarap sya sakin.. Pero hindi. Umiling lang sya habang tumatawa.

"You're so full of yourself.." She said, loud enough para marinig ko.

"Bakit ka nga pala umiinom? Diba dapat nasa bahay ka lang at nagpapahinga?" She asked, sa tono ng boses nya ay para syang nanunukso o nang-iinsulto.

"Psh" i laughed.

Tumayo ako at nagpaalam na. Narinig ko pa syang sumigaw pero di ko sya pinansin. Patuloy lang ako paglalakad..

Biglang may kumalabog at paglingon ko ay nadapa pala si Ayish.

Umiling naman ako bago naglakad pabalik sa kanya.

"Tanga" i said sabay abot ng kamay ko sakanya.

"Wow thanks" she said sarcastically. Hindi nya pinansin ang kamay ko at tumayo sya mag-isa.

Nagtinginan lang kami ng ilang minuto bago ko napagpasyahan na kailangan ko na talagang umuwi. Nagpaalam ako at tumango naman sya.

Pero hindi pa nga ako nakakalayo ay hinabol na naman nya ako.

"Ihahatid nalang kita. Lasing ka na, baka mapano ka pa." She told me.

I refused pero mapilit sya kaya pumayag nalang ako.

Dinukot nya galing sa kamay ko ang susi. Tinanong nya sakin kung saan ang kotse ko.

"Follow me." Utos ko at nagsimula ng maglakad papunta sa kotse ko.

Pagdating namin dun ay sumakay ako sa back seat, ayokong tumabi sakanya.

"Wow, magmumukha akong driver nito" reklamo nya. I just smirked.

Akala ko ay bababa sya pero hindi. She started the engine at nagsimula ng magdrive.

Ang layo pa ng byahe. Walang kahit na sino man sa amin ang nagsalita.

Kahit sobrang sakit na ng ulo ko ay hindi parin ako makaidlip dahil from time to time ay nagtatanong sya kung saan sya liliko o kung saan dadaan. Pero pagkatapos nun ay magiging tahimik nanaman kami ulit.

Finally, mukhang alam na naman ni Ayish ang daan papunta sa amin. Sabi ko kasi na sa parteng toh ay didiretso nalang sya kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon na makatulog.

————×

"Ma, ano yun?" Tanong ko. Nagising kasi ako ng marinig ang malakas na tunog ng pagbagsak galing sa labas ng sasakyan. Parang nabangga kami sa isang bagay. Akala ko nga ay nabangga kami sa kahoy dahil sa lakas ng impact pero pagtingin ko sa labas ng kotse ay wala naman. Nasa harap lang kami ng isang building.

"Ah.. Eh.. W-wala. Nabangga ko lang yung malaking drum ng basurahan" Sagot nya. Napakunot ako ng noo dahil nagtataka ako kung bakit sya nauutal. Nasa likod ako nakaupo habang si Mama naman ang nagmamaneho.

Hinawakan ko ang balikat nya. "Ma, kalma lang. Basurahan lang naman yun diba?" Sabi ko sabay tawa.

"Ah.. Haha..O-oo nga" sagot nya. Pinaandar nya na ulit ang kotse at inatras ito para iwasan ang drum daw ng basura. Pinikit ko naman ulit ang mata ko at natulog..

"Reid.. Reid!" Bigla kong naimulat ang mata ko ng gisingin ako ni Ayish.

"Ito na ba yun?" Sabay turo ng bahay namin.

Tumango lang ako. Lumabas sya sa kotse at pumunta sa likod. Binuksan nya ang pintuan ng back seat at inalalayan ako palabas ng kotse.

Hinawakan nya ang braso ko at isinabit ito sa balikat nya para hindi ako matumba.

Pagdating namin sa pintuan ng bahay namin ay nagdoor bell sya. Agad naman itong binuksan ni Mama.

"Reid? Nako!" Sabi ni Mama sabay inalalayan ako papaunta sa couch. Narinig ko namang nagpaalam na sakanya si Ayish at nagpasalamat naman si Mama.

"Bat ka naglasing?" Sigaw nya. Alam kong galit na galit sya.

"So what?" I answered with a smirk.

"Ano bang nangyayari sayo? Excited ka na ba talagang mamatay at nilulunod mo yang sarili mo sa alak? Hindi mo ba alam na bawal ka dyan? Mas lalala ang kundisyon mo! Kailan ka ba makikinig sakin?" Sigaw nya.

"Eh ikaw! Kailan mo ba aaminin ang kasalanan mo? Kailan ka ba susuko sa mga pulis?" Sigaw ko din.

Bigla naman syang natahimik. Kitang-kita sa mukha nya ang pagkagulat.

"A--anong ibig mong sabihin?" Tanong nya. Nanginginig ang kamay nya. Sunud-sunod din ang pagtulo ng mga luha nya sa sahig.

"Akala mo di ko alam? Narinig kita na kausap si Tita! Paano yun nakayanan ng konsensya mo Ma?"

"Hindi ko yun sinasadya. Iniisip lang kita. Paano kung makulong ako! Paano ka?" Mas lumakas naman ang paghagulhol ni Mama

"Natakot ako. Natakot ako na baka.. Na baka.. Makulong ako at di na kita.. Di na kita makasama.. Paano kung.. Mawala ka habang nasa kulungan ako?... Paano kung.. " she said in between her sobs.

"Kahit na. Mali parin ang ginawa mo Ma!" I shouted. Hindi ko alam kung maawa ako o magagalit sakanya.

"I-im sorry.. I'm sorry.. " she said. Nakayuko sya sa harapan ko habang umiiyak pa rin.

"Hindi mo naman ako isusumbong Anak diba?.. " She begged.

"I'm not sure.. " umiling ako. "Mahal kita Ma pero mahal ko din si Jayla.. "

—————

Hi :D may nakagets na ba? Ha? Hahaha. Sorry kung medyo shitty (if you find it shitty) ang chapter nato. May lagnat kasi ako. :( Tinry ko lang talagang mag-update kasi ayokong pinapahintay kayo.

Ang mga naka italicized ay ang mga nangyari bago naging cold si Reid kay Jayla.

Thank you sa reads, comment at votes guys. Mag tu-2k na ang Lost Stars. Angsaya hahaha.



















Lost StarsWhere stories live. Discover now