Chapter 36: Shaw Hershey.

829 27 1
                                    

LAST 4 CHAPTERS! =)))

Chapter 36

“L-Luhan…” inalalayan ako ni Taemin na makatayo. Wala ring alam si ate May kung anong nangyayari. Lumapit ako kay Luhan. Nakasandal siya sa pinto habang nakatalikod sa’min, kahit hindi ko nakikita, alam kong umiiyak siya. “A-anong nangyayari sa’yo?”

“Fck!” Sinuntok niya pa ng isang beses ang pinto.

“I’m so sorry, Hershey.” Napatingin ako kay Taemin. Balisang balisa siya habang nakatitig sa’kin.

“A-ano bang nangyari? M-may nasabi ba ko sa kanya habang natutulog ako?”

“Wala…” nakahinga ako ng maluwag. Konting hakbang nalang malalapitan ko na siya. “Wala kang nasabi sa kanya.”

Pero bago ko pa siya mahawakan, tumayo agad siya at lumabas. Padabog na sinara ang pinto.

“LUHAN!” Hinabol ko siya pero pinigilan ako ni ate May.

“Ako na ang bahala sa kanya. Magpahinga ka dito.”

Sinundan siya ni ate May. What? Magpahinga? Makakapagpahinga ba ko kung alam ko namang galit sa’kin si Luhan? Galit siya at hindi ko alam ang dahilan!

“TELL ME WHAT HAPPENED, TAEMIN!” Hindi siya makatingin ng diretso sa’kin. Dun palang alam ko ng may alam siya sa nangyari kay Luhan. “ARE YOU FCKING DEAF, TAEMIN?!”

“I’m so sorry, Hershey.” Napapikit siya ng mariin. “H-hindi ko alam na walang alam ang b-boyfriend mo sa—”

“STOP!” Nanginig ang boses ko. HINDI NIYA ALAM! “No, you didn’t.” Umiling iling ako sa kanya. “TELL ME, YOU DID NOT!”

“S-sinabi ko sa kanya…” He tried reaching out for me.

“Don’t touch me.” I slapped his hands. “I SAID DON’T TOUCH ME!”

“I swear, Hershey. Hindi ko alam. Wala naman akong balak na sabihin sa kanya—”

“PERO SINABI MO AND THAT’S MY POINT!” Napasandal ako sa wall at napahawak sa bibig ko.

Wala akong planong sabihin sa kanya na mamamatay na ko. Na ilang buwan ko nalang siya makakasama dahil hindi ko gustong iwan siya. Siya nalang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Siya na lang ang dahilan kung bakit bumabangon pa ko. Hindi ko kayang makitang nasasaktan na naman siya.

“I’m so sorry, Hershey.”

“Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi ako napatawad ni Luhan.”

“M-mahal ka niya, mapapatawad ka niya. M-may dahilan ka para hindi sabihin yon.”

Tumahimik ako at hinintay na bumalik si ate May. Panay pa rin ang hingi ng sorry ni Taemin. Mali ako. Kasalanan ko rin to. Dapat sinabi ko sa kanya dati pa lang pero naduwag ako eh. Ngayong alam na niya na iiwan ko siya balang araw, iniwan niya ko. Ngayon, hindi ko na alam kung pa’no siya babalik sa’kin.

“Ate May…” napatayo agad ako nung makita ko si ate May na pumasok. “Si Luhan po?”

“Nasa labas… hindi ba, sinabi ko magpahinga ka?”

Hindi ko sinagot si ate, lumabas agad ako ng kwarto habang tulak ang dextrose ko. Nakita ko si Luhan na nakaupo sa sofa sa harapan ng private room. Tumingin agad ako sa paligid, walang tao. Nagpasalamat na rin ako at medyo dulo itong kwarto ko at isang lane lang ng mga rooms.

“Luhan…” hindi niya ko pinansin. Nakatulala pa rin siya habang umiiyak. Sa sahig lang siya nakatingin. “I’m sorry… I’m so sorry…”

Lumapit pa ko sa kanya. Hinawakan ko agad ang kamay niya at medyo lumuhod. Ni hindi ko makuha ang atensyon niya. Galit pa rin siya sa’kin.

“Luhan, I’m sorry.” Napahagulgol na ko ng iyak habang nakatingin sa kanya. “Wag ka namang ganito oh. Ayokong mamatay na may galit ka sa’kin.”

Dun ko na nakuha ang atensyon niya. Pero blangko ang mukha niya ng tumingin siya sa’kin.

“Pwes, wag kang mamamatay kung ayaw mong magalit ako sa’yo.” Tumayo siya naglakad paalis, akala ko hanggang dito na lang. Tumigil siya sa paglalakad. Napahawak nalang ako sa bibig ko ng bigla niyang suntukin ang pader. Sinandal niya ang noo niya dito pagkatapos. “May hindi ka pa ba nasasabi sa’kin? Pakisabi na, para isang sakitan na lang.”

“I love you so much…”

Napapikit siya. Nakita kong tumulo na naman ang mga luha niya. Dahan dahan akong tumayo.

“Mahal na mahal kita.”

“Kung mahal mo ko, bakit hindi mo sinabi sa’kin?!” galit na humarap siya sa’kin. Nilapitan niya ko at hinawakan sa balikat. Kahit masakit, hindi ako pumalag. I deserve this. “BAKIT KELANGANG SA LALAKI PANG YON KO MALAMAN?!”

“I’m so sorry, Luhan”

“Bullsht! Fck!” humiwalay siya sa’kin. Nakita kong sinipa niya ang basurahan sa tabi. “Sa tingin ko, hindi mo talaga ako mahal. Dahil kung mahal mo ko, hindi mo magagawang ilihim sa’kin to!”

Napangiti ako ng mapait. Hinigit ko ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Tumingin ulit ako sa kanya. Hindi ko na siya makita ng maayos dahil sa namumuong luha na naman sa mga mata ko. Pero alam kong nakatingin na siya sa’kin.

“Palagi kong pinagdarasal bago ako matulog na sana kinabukasan magising pa rin ako dahil hindi ko pa napapaalala sa’yo kung gano kita kamahal. Oo, naging selfish ako dahil hanggang sa sakit ko lang ang sinabi ko sa’yo. Pero ginawa ko yon dahil ayokong maawa ka sa’kin. Ayokong isipin na kaya mo lang ako minamahal dahil mamamatay na ko.”

“Gusto kong maging masaya ka lang habang kasama ako. Bakit ko pa kelangang sabihin sa’yo gayong alam kong ganito ang magiging reaksyon mo?! Ano?! Sasaktan mo ang sarili mo?!”

“Sa tingin mo ba tatagal ako ng ganito kung hindi ako nangako sa’yo? Nangako akong hindi kita iiwan, hindi ba? Hindi ko naman nakakalimutan yon eh. Na kahit ang hirap hirap… pinipilit ko para sa’yo.”

“Para sa’yo dahil mahal na mahal kita… siguro mas maganda na rin na hindi mo ko nakilala para hindi ganito kahirap. Mas masaya na rin siguro sa’kin kung hanggang malayo na lang kita makikita, atleast hindi masakit, hindi ba? Atleast… hindi ako mahihirapang magpaalam. Hindi ko naman ginusto tong sakit na to eh. Biktima rin lang ako.”

“Ngayon, sabihin mo, hindi kita mahal?! Kung hindi mo matanggap na mawawala na ko, sana naman matanggap mo ang katotohanang mahal na mahal kita.”

Huminga ako ng malalim, nahihirapan na naman ako huminga. Ni hindi na niya magawang makapagsalita. Pinunasan ko ang luha ko. Mas nakita ko siya ng malinaw.

“Sa tingin mo ba masaya ako ng malaman kong ilang buwan na lang ang itatagal ko?! Sa tingin mo ba hindi ko iniyakan yon?! Wala kang karapatang pagdudahan ang nararamdaman ko dahil wala kang alam! Hindi mo alam lahat ng paghihirap na nararamdaman ko para lang mabuhay sa bawat araw at masabi sa’yo kung ga’no kita kamahal!”

Into Your WorldWhere stories live. Discover now