Chapter 8: Ringtone >///<

1.4K 39 4
                                    

Chapter 8: Ringtone >///<

“Kuya Toby! Ate May! Alis na ko!”

Nagmadali akong lumabas ng bahay at nag-abang ng bus. Gaaaah. Dapat 6am nakaalis na ko ng bahay, pero 6:30 na andito pa rin ako at nag-aabang ng bus. Start na ng second sem. 7 ang first class ko at isang oras ang byahe simula dito hanggang school. Male-late ako ng 30 minutes. Letse~!

Dumating naman ang bus at dahil sobrang bilis magpatakbo ng driver, 7:15 nasa school na ko. 26 units ako ngayon, pangit pa ng sched ko. Kung bakit kasi atat mga kaklase ko at full load? =________=

“Kisses!” tinawag ako ni Taemin. Lumapit agad ako sa kanila. “Ito yung room assignment natin”

Kinuha ko yung reg form niya, nakalagay sa gilid kung saang room kami. Kumuha ako ng pen tapos nilagay ko din sa regform ko. TBA kasi yung naka-print.

“Ang lalayo naman pala ng room natin, baka lalo akong ma-late nito” sabi ko nalang. Sobrang lawak kasi ng school na to eh! >_____<

Naglakad na kami papunta sa room namin. nag-attendance lang kami sa mga klase namin ngayon. Pero may assignment na kami sa accounting. Syempre, major eh. Mukhang may problema pa sa ibang subject dahil wala pang naaassign na professor sa section namin. BSA2-1. :D

Nung 4pm na, dumiretso kami sa gym. P.E. :/ Inenroll ko nga to pero hindi naman ako nagpP.E. Nagbibigay lang ako ng medical certificate at may special project ako. Volleyball pa naman kami ngayon. Awww.

Ayun nga, attendance lang ulit tapos uwian na. Siguro next week pa yung regular class. Nakakatamad naman ang ganito.

~~~

“KISSEEEEEEEEEEEEEEEES!” sigaw ni Ate May pagkapasok ko ng coffee shop. Grabe lang, namiss ako?

“Bakit ate?”

“May naghanap sa’yo kanina, sabi ko nalang start na ng second semester kaya wala ka dito sa shop”

“May bibili ng merchandise? Iniwan ko lang naman dyan sa cabinet eh. Pinagtindahan mo, ate?”

“Tungek hindi no. Malay ko sa mga presyo niyang mga yan”

“Sana pina-bid mo. Yayaman pa tayo. Ang yaman kaya ng mga EXOTIC” nilapag ko yung gamit ko sa isang lamesa na malapit sa counter. Konti lang yung tao sa shop ngayon, merong nagbabasa ng newspaper, may nagkukwentuhan… at may nakaub-ob. Tulog yata?

“Anong EXOTIC? Oh, well… hindi ko nalang sasabihin kung sinong naghahanap sa’yo. Wala ka naman yatang balak malaman kung sino eh. Bakit ginabi ka?”

“Hanggang 6 ako ngayon eh, pero dahil first day, pinalabas kami ng 5. Eh isang oras ang byahe simula school hanggang dito kaya ngayon lang ako nakapunta here. Marami bang customer? Mukhang haggard ka teh”

“Oo eh. Nag-shooting din dito sa shop ang mga irog mo kaya sinarado muna for 4 hours tong shop” ehhhh? Nagshooting? Music video? Sa shop namin? Yung totoo?

“Ano ate?”

“Wala. Dito ka na magdinner. Gumawa ka na rin ng assignment dyan, kung meron man. Mala-late daw ng sundo si Toby dahil may pupuntahan pa siya, samin ka na sumabay.”

“Owkiiie”

 Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng pagkain, ganyan yan eh! Kuha lang ng kuha! XD Tapos bumalik sa pwesto ko, nadagdagan naman ang customer. Kinuha ko ang bag ko tapos lumipat ako sa may gilid. Nilabas ko yung calculator ko, yung pina-photocopy kong assignment, work sheet, yung pen ko. Bawal mahulog. G-tech. Hohoho! :3

Medyo madali lang naman ang assignment ko kaya lang mahaba. Nilabas ko din ang phone ko at nakinig ng music. <3

Natapos ko na ang Green Apple ni HyunA pero wala pangalan ko palang ang nakalagay sa papel ko, why so tamad Kisses? Kokonti pa rin lang nababawas sa pagkain ko. Haruuuu.

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon