Chapter 11: LH

1.4K 31 8
                                    

Chapter 11

“Itago mo yung mukha mo, kita pa rin eh”

“Hindi na ko makakita, Kisses”

Humagalpak ako ng tawa. Pinagsuot ko kasi siya ng isa pang jacket na nazi-zip hanggang sa hood. Kaya ngayon, nahihirapan na siyang makakita. Ang kyot lang :”>

“Hindi ako makahinga”

Nung marinig ko yun mula sa kanya, tinaggal ko agad yung pagkakazip, pero nung nakita niya ko, kinurot niya agad ang pisngi ko.

“Ahh—aray—Luhan, mashakit”

Tapos siya naman yung tumawa. Hinampas ko yung kamay niya kaya nabitiwan niya yung pisngi ko.

“Grabe…” hinawakan ko yung pisngi ko, alam kong namumula na to ngayon “Ang sakit non ha!”

“Hahaha” pinunasan nya yung mamumuong luha sa mata niya “Ang kulit mo kasi eh”

“Kulit, kulit ka dyan. Tara na nga bumili, inaasar mo lang ako eh”

Nagpunta na kami sa mga boutique pero inaasar niya pa rin ako. =____= Talaga bang ito ang bias ko? >___<

“Gutom na ko, kain muna tayo” sabi nya

“Eh kapapasok pa lang natin dito ah”

“Eh, gutom na ko eh” tapos bigla siyang nagpout. Holy cow! Yung… yung lips niya >///////<

“Tara na nga!”

Hinigit ko siya papunta sa Mcdo. Hindi pa rin ako tumitingin sa mukha niya. Kung bakit ba kasi ang gwapo talaga niya eh. Pero nung napansin kong hindi siya nagsasalita, bumigay na ko.

“Bakit ka nakangiti?” tanong ko nung makita kong ngiting ngiti siya.

“Wala lang…” simimangot ako sa kanya tapos pumunta na sa counter para umorder, iniwan ko na siya sa table namin dahil baka makakuha siya ng atensyon. Ang tangkad din kasi niya eh.

Ang lalaking naka-black v-neck shirt, jeans, rubbershoes, shades tapos hoodies na maputi at matangkad. Sinong hindi lilingon sa kanya? My goodness!

Pagkatapos kong um-order pumunta agad ako sa pwesto namin. Nag-umpisa na kaming kumain nang hindi nag-uusap. Hindi ko rin alam kung saan siya nakatingin dahil nga may shades siya.

“Hindi ka naman kumakain eh. Akala ko ba gutom ka?” sabi ko sa kanya. Hindi niya pa kasi ginagalaw yung pagkain niya.

“May ketsup ka sa—”

“Oo na. Oo na.” pinunasan ko agad ang bibig ko.

“Hindi mo man lang hinintay na punasan ko”

“Tse!”

“Joke lang. May salamin ka ba?”

“Wala”

“Ahm… cellphone nalang?”

Inabot ko naman sa kanya yung cellphone ko. Baka mananalamin lang. Gawain ko rin yun eh.

“Ang sweet nila noh?”

“Parang ang gwapo nung guy oh”

“Hinaan mo lang boses mo, baka marinig ka nila”

Into Your WorldWhere stories live. Discover now