Chapter 14: Fan.

1.2K 25 2
                                    

Chapter 14

“Uhh… h-hello.”

“Hello, Kisses!” narinig ko si Chanyeol na nasa likod ni Luhan. “Long time no see!”

“Uhh… huh?” Kilala niya ko? Emergeeerd!

“HELLO KISSES!” si Suho naman.

“H-hello po.” Medyo nagbow ako sa kanila. Ganun naman dapat diba? Yahhh! Bakit kilala nila ako?

“Hi, Hershey.” Si Kris naman yon. Hershey? Pano niya nalaman na Hershey ang real name ko?

“Hi, Shaw.” Si Sehun naman yon. Haaaa?

Napalipat lipat yung tingin ko sa kanila. Yung iba naman kumakaway sa’kin. Medyo malayo pa ko sa kanila pero malalakas kasi yung boses nila kaya narinig ko agad.

“Ma’am Kisses. Naiwan niyo po yung calculator niyo sa table.”

Napatingin agad ako dun sa isang crew.

“S-salamat po.”

Nilagay ko sa bag ko yung calculator na inabot sa’kin. Magsisimula na sana ulit akong maglakad pero napatigil ako nung bumangga ako sa isang… tao?

“Oops. Sorry po.”

“Ingat.” Pinat niya yung ulo ko. Shocks! Ang bango ni Luhaaaaan!

“Uhh… sige.” Nagmove ako paleft. Baka oorder siya, pakalat kalat ako sa daan. Nabunggo ko pa siya.

“Bakit umiiwas ka?”

“Uhh… ha?” Umiling agad ako. “Naku, hindi no. Nakaharang kasi ako sa daan, baka oorder ka eh.”

“Akala ko kasi eh. Matagal ka ring nawala dito.”

Tumingin muna ako sa mga kasama niya. Busy na yung iba sa pakikipagdaldalan sa ibang members o kaya sa manager nila. Tumingin ulit ako kay Luhan na nasa harap ko pa rin. Nakatingin din lang siya sa’kin.

Into Your WorldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt