Chapter 30: I love you.

1K 29 5
                                    

HAPPY 10K+ READS! GOMAWO! :))

Chapter 30

"I'll die soon... I'm sorry. Kung hindi ko ititigil to, lalo ka lang masasaktan. Kaya habang maaga palang gusto ko ng lumayo. I'm sorry... I'm really sorry..."

Pinapanood ko siya habang natutulog siya sa loob ng private room niya. Pwede na kong lumabas ng hospital pero mas gusto kong dito muna. Dito muna ako kasama ng taong mahal ko.

"Lalong humihina si Hershey... we just need to pray." Napailing ako sa sinabi ng doctor niya. Nakita kong naiiyak na rin ang parents ni Kisses. "Babalik ako mamaya para i-check siya uli."

"Thank you doc."

Tumango lang si doc sa kanya. Lumabas na agad siya ng pinto. Inayos ng mama niya ang kumot niya pagkatapos ay humarap sakin.

"Ikaw ba ang boyfriend ni Kisses?"

"Ayos lang po ba sa inyo?" Determinado kong tanong. Ngayon ko lang nakita ang parents niya. Nakakakakaba pala kapag ganito.

"Of course..." ngumiti siya kahit ramdam na ramdam na malungkot siya. "Familiar ang mukha mo... parang nakita na kita sa kwarto ni Kisses."

"P-po?"

"Honey, siya yata yung nasa poster na nakadikit sa wall ng kwarto ni Kisses."

Napangiti nalang ako. May lihim din palang pagnanasa sakin si Kisses. Tss.

"Oh my!" Sigaw ng mommy ni Kisses. "Artista ka, hijo?!"

"Ahm... m-medyo po..."

"Eh bakit nandito ka sa ospital? Wait... na-admit ka rin?"

"Opo. Nilagnat po kasi ako. Pero magaling na po ako. Humiling lang po ako kay manager na mag-stay para mabantayan ko si Kisses..."

Tumingin ulit ako kay Kisses. Gumalaw siya tapos bumaling sa left side kung saan mas lalo kong nakita ang mukha niya. Na kahit nasasaktan siya sa loob... maganda pa rin siya.

"Myy..."

Napalapit agad siya kay Kisses. Maging ako man. Nakapikit pa rin siya habang kinakausap ang mommy niya.

"Mommy... gusto ko ng cake..."

"Alright baby. Bibili lang ako sa labas. Wait for me, okay?"

"Thank you, myy."

Hindi pa rin siya nagmumulat ng mata.

"Ako nalang po ang bibili para kay Kisses."

"Ako na hijo. Mahirap na. Sikat ka pala. Pabantay nalang si Kisses sandali. Papunta na rin dito ang kapatid niya."

Lumabas sila ng private room ni Kisses. Syempre kasama yung daddy ni Kisses.

Umupo ako sa tabi ng kama ni Kisses. Hinawakan ko ang mukha niya. Mukhang hindi pa talaga siya tuluyang gising. Malalalim ang bawat hinga niya.

"Lu..."

Natigilan ako nang bigla siyang magsalita. Hindi ko sigurado kung nananaginip siya o gising talaga siya at tinatawag ang pangalan ko.

"Lu? Kisses naman, ako ba ang tinatawag mo? Buuin mo naman pangalan ko.”

“Hindi ikaw tinatawag ko. Feeling mo naman.”

Imbes na maasar, natawa lang ako sa kanya.

“Gising ka na pala eh. May kelangan ka ba? Gutom ka na?”

“Nasi-CR ako.”

Tinulungan ko siyang makatayo. Inalalayan ko siya hanggang makarating siya sa cr.

Into Your WorldWhere stories live. Discover now