Chapter 9: Sablay na naman!

1.4K 38 8
                                    

Halaaaa! Napost ko pala agad yung chapter 8 :/ Inedit ko po ulit. Hahaha! Super bitin kasi eh. Pabasa nalang ulit bago ito! Salamat.

--Moiiiii.

Chapter 9: Sablay na naman!

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ginawa niyang ringtone ang boses ko, I mean ang kanta ko. Alam kong nagsisinungaling ako kapag sinabi kong maganda ang boses ko. Err? Dahil ba ngayon lang siya nakarinig ng ganung klaseng boses? Whatever.

“Kisses, nagawa mo ba yung assignment sa accounting?” tanong ni Taemin. Siya lang kasi ang kasama ko ngayon. Bumibili kasi ng pagkain yung iba naming tropa.

“Yep. Ginawa ko nung Monday” sagot ko. Tuwing Monday at Thursday lang kasi ang accounting namin.

Tatlong araw ko na ring hindi nakikita ang bias ko. Siguro nakabalik na sila sa Korea? Tapos na mag-shoot? Eh sa tagal na nila nandito. Isang buwan? Dalawa?

“Ahm, Kisses” inagaw ulit ni Taemin ang atensyon ko.

“Bakit?”

“Malalim yata ang iniisip mo? Lalaki bay an?”

“Oo” nakita kong nabigla siya sa sagot ko. harapan ko kasing sinabi na lalaki ang nasa isip. First time to nangyari.

“Boyfriend mo? May boyfriend ka na ba?”

“Wala”

Sinabi nya sakin noon na kapag may napakita na kong boyfriend sa kanya, tsaka lang siya titigil sa panliligaw sakin. Eh hindi ko pa naman boyfriend si Luhan eh >:)

“Wala pa kong boyfriend. Aral muna. Kelangan ko pang maghabol”

“Uhh. Wala na ba talaga akong pag-asa?” tanong niya sakin kaya lalo akong kinabahan. Masasagot ko ba agad ang tanong niyang to? Bakit kasi walang pakundangan ang pagtatanong eh? :/

Laking pasasalamat ko ng dumating ang ibang tropa. Pumunta na kami sa room. Hindi ko na sinagot yung tanong ni Taemin. Nagklase na at nung uwian, dumiretso ulit ako sa shop, nagbabasakaling makita ko ulit siya pero wala. Wala ni isang member ng EXO ang pumunta sa shop.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Nakabalik na sila sa Korea.

“Ate May, hindi na ko sasabay pauwi sa inyo. Punta lang ako sa 7/11. Kakain muna ako”

“Ano ka ba naman Kisses, may pagkain na dito. Bakit kelangan mo pang pumunta ng 711? Wala kang kasama. Dito ka lang”

Iyon din ang isa ko pang ikinabigla. Bakit parang ingat na ingat si Ate May at Kuya Toby sakin ngayon? I swear, nakakatakot.

“Sandali lang ako ate. By 8 nasa bahay na ko”

“Kisses…”

“Hindi naman ako mamamatay sa pagkain ko don ate eh. Bakit ba ganyan kayo ni Kuya Toby ngayon? Parang mawawala ako ah?” ngumiti lang ako sa kanya bago ako lumabas ng shop. Ni hindi ko na siya hinintay magsalita.

Since malapit lang ang 711 sa shop. Nilakad ko nalang. Wala pa ko sa kalahati ng nilalakad ko nung makaramdam ako ng pagod. Umupo muna ako sa isang bench na nakita ko. siguro 15 minutes din ako nun.

Naglakad na ulit ako at after 424562456 years, nakarating din ako. :/ Kapagod.

Kumuha ako ng cup noodles at nilagyan ko ng hot water. Bumili rin ako ng chocolate drink bago naghanap ng upuan. Dalawa lang kaming customer. Pero umalis din agad siya kaya ako nalang ang natira. Sinimulan ko ng kainin yung binili kong noodles. 7pm na.

Into Your WorldWhere stories live. Discover now