Chapter 15: For us.

1.2K 31 5
                                    

THIS IS A FICTION. DON'T TAKE IT SERIOUSLY. AYLABYU! :*

--OhMoii. (:

Chapter 15

"Bakit malungkot ka na naman? Baka malungkot din si baby Hyunah." Tumingin ako kay Ate May tapos ngumiti.

"Di naman ate. Ikaw talaga. Asikasuhin mo na yung mga bisita mo oh."

Kinuha ko si Hyunah sa kanya. 1 year old na si baby ngayon kaya medyo maraming tao sa bahay. Celebration. (:

"Psh. Ako pa lolokohin mo eh. Smile na. Tamo si baby oh, nakatingin sayo."

Tumingin ako kay baby Hyunah tapos kiniss sa cheeks niya. "Smile nga baby." Tinitigan lang ako ni baby tapos maya maya bigla ring ngumiti.

"Mwaaa."

Natawa lang ako sa sinabi ni Hyuna. Imbes na Tita Kisses ang tawag sakin, 'Mwaa' pa. Tinuruan kasi ni Kuya eh. -___-

"Favorite talaga niyang tawagin ka."

"Eh bakit naman kasi 'Mwaa' pa?" Kiniss ko ulit si Hyunah. "Di bale na, cute ka naman. Mana ka kay 'Mwaa'!"

Bigla na naman siyang tumawa sakin. Iniwan kami ni ate sandali para asikasuhin ang mga bisita.

Dinala ko sa garden si Hyunah. Konti lang yung tao dito. Umupo ako sa may isang swing.

"Baby, mukha bang sad si Ate Kisses?"

"Mwaa"

Ngumiti lang ako sa kanya.

Napatitig ako sa may halaman sa harap namin. Ang bilis pala ng panahon. Isang taon na yung lumipas simula nung umalis sila dito sa Pilipinas. After a month nung umalis sila sa Pilipinas, nag-comeback sila with their first full length album. I can tell, sobrang pinaghirapan nila yun. Syempre sa internet nalang ako nakikibalita. Halos every other day, nagi-internet ako tapos pinapanood ko yung mga shows, performance, fancams nila.

Syempre, hanggang internet nalang ako eh. Kapag naaalala ko yun, iniisip ko nalang yung huling beses na nakita ko sila. Masaya na ko at nagkaroon ako ng chance na makalapit sa kanila ng ganon.

Into Your WorldWhere stories live. Discover now