Chapter 12: Hinga ng malalim.

1.3K 30 2
                                    

NAMISS KO TO! NAMISS KO KAYO! :33

:)))))))))))))

Chapter 12

Pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa side. Pinagtitinginan na ko ng ibang tao pero ayokong gumagawa ng eksena. Nung makaupo ako sa may bench, hinanap ko agad ang gamot ko sa bag ko.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Huling naranasan ko to ay last 2 years ago. Sinabi sa’kin nina Ate May na magaling na ko at naniniwala ako dun, sa totoo lang nung sinabi nila yon, parang nawala ang problema ko. Nakuha ko na ulit magsaya pero sa nararamdaman ko ngayon… parang nakaramdam ako ng takot.

“Anong ginagawa mo dyan?” dahil nakatungo ako una kong nakita ang sapatos niya. Hindi pa ko sanay na makasama siya kaya iba ang trato ko sa kanya, sino ba kasing hindi mababaliw kapag nakasama mo ang lalaking to?

Huminga ako ng malalim. Unti-unti nang nawawala yung sakit na nararamdaman ko.

“Umuupo. Iniwan mo kasi ako eh” sabi ko nalang sa kanya. Mamaya rin, itatanong ko kay Ate May kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Siguro naman alam nila ang sagot, yeaaaaah. Hindi sila doctor pero sila ang nakausap ng doctor ko dati.

“Akala ko kasi sinusundan mo ko, napagod ka ba?” umupo rin siya sa tabi ko.

“Medyo eh, ikaw ba? Mukhang init na init ka na sa suot mo ha?”

“Oo nga eh. Di ko naman matanggal.”

Medyo marami pa ngang tao sa paligid. Bakit ba kasi nagpilit pa siyang magpunta kami dito? Sana ako nalang bumili ng shirt.

“Uwi na tayo?” tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing nakatitig lang siya sa sapatos niya.

“Ah…” inayos niya yung shades na suot niya pati yung hoodies niya, medyo hindi ko na kita yung mukha niya talaga kasi nakasideview siya sa pwesto ko. “Naalala mo ba yung sinabi ko sa’yo dati?”

“Alin don? Marami yon eh”

“Marami na ba?” nilaro niya yung mga kamay niya “Yung… yung nahanap ko na yung babaeng magpapasaya at gusto kong mag-alaga sa’kin”

“Uhhh” yung maswerteng bakulaw na yon. Joke! “Bakit? Oo naaalala ko yun”

“Sa tingin mo may pag-asa ako sa kanya?”

“Oo naman! Sa gwapo mong yan—” bigla akong napatakip sa bibig ko nung bigla siyang lumingon sa’kin.

“Talaga? May pag-asa ako sa kanya?”

Argh. Mukhang hindi naman niya napansin yung huli kong sinabi, pero ano naman? Gwapo naman talaga siya eh!

“Lahat naman ng tao may pag-asa eh. At… at kung sakaling malaman man niya na gusto mo siya, tiyak matutuwa pa yun”

“Talaga?” humarap siya sa’kin “Pa’no kung hindi niya ko gusto?”

“Edi gumawa ka ng paraan para magustuhan ka niya, ang liit liit ng problema pinapalaki mo. Nakakatuwa naman, kahit pala mga tulad mo nahihirapan din sa lovelife”

“Psh…”  ngumiti siya sa’kin “Tao rin naman ako. Kahit natupad ko na ang pangarap kong maging isang dancer at singer… may iba pang bagay na magpapasaya sa’kin.”

“Lalim non ah” nasaktan ako. Shemay. “Sabihin mo na kapag bumalik ka ng Korea… kelan ba kayo aalis?”

“Mga 2-3 weeks nalang yata kami dito… nakakatatlong buwan na kami. Hindi ko masasabi sa kanya kapag bumalik na kami sa Korea”

“Woah…” wag mong sabihing… torpe si Luhan? Emergerd! “Bakit?”

“Wala naman siya sa Korea eh”

Into Your WorldWhere stories live. Discover now