Chapter 13: Hello, Kisses.

1.3K 29 6
                                    

Chapter 13

“Baby Hyunah, gising ka na. Aalis na si Tita oh.” Hinawakan ko yung maliit niyang kamay tapos nilaro laro. “Babyy~”

“Shhh.” Pinatayo ako mula sa pagkakadapa ko sa kama ni Kuya. “Wag mo ngang gisingin si baby.”

“Epal ka na naman kuya eh.” Tumingin ulit ako kay baby na katabi ng natatawang si Ate May. “Kamukha talaga kita, baby. Parehas tayong maganda.”

This time, binatukan na ko ni Kuya. Letse! Ang sakit kaya non. >____<

2 weeks na yung nakakalipas simula nung nanganak si Ate May. Hindi ko talaga alam ang gagawin nung mga oras na yon. Buti nalang may kapitbahay kami kaya nakahingi agad ako ng tulong. :3

“Kisses, may pasok ka pa oh. Dadaan ka pa sa coffee shop mamaya.”

“Kuya. 6 am palang, 7:30 pa klase ko.”

“6 am palang, binubulabog mo na ang anak ko. Lumabas ka nga ng kwarto namin ng ate May mo.”

“Tse!”

Nagkiss muna ako sa cheeks ni baby Hyunah bago ako lumabas ng kwarto nila. Sus, gusto lang masolo ni Kuya si Ate. Dadahilan pa siya.

Sa two weeks na yon, tinutulungan ko si ate na alagaan si Hyunah. After class ko, diretso na ko sa bahay. Si kuya kasi kelangang magtrabaho. Minsan siya na rin nagbabantay sa coffee shop. Halos makalimutan ko na nga yung coffee shop dahil kay baby eh. Sarap kasing alagaan. Ang cute, cute!

6:30 umalis na ko ng bahay. Sinubukan ko muna ulit gisingin si baby pero nabungangaan na naman ako ni Kuya. Daig pa si Ate May eh. =______=

“Kisses, dumaan ka muna ng coffee shop mamaya. Hindi ako makakapunta dahil may meeting ako, baka gabihin rin ako ng uwi. Tignan mo lang kung ayos sila don.”

“Oyes kuya. Hatid mo na ko.”

Sumakay na ko sa kotse. Hinatid ako ni Kuya hanggang makarating ako sa school. Sinalubong agad ako ni Taemin nung makita niya ko sa labas ng room.

“Ui, mukhang masaya ka ha?” sabi niya sa’kin.

“Yes, of course. Ang cute, cute kasi ni Hyunah.”

“Para tuloy gusto ko ring makita si Hyunah.”

Sa picture pa lang kasi nila nakikita eh. Syempre punung puno na yung phone ko ng picture ni baby. Hahaha! Wala eh, first pamangkin. (:

“Aish. Sayang. Bantay kasi ako mamaya sa coffee shop. Sa susunod nalang, punta kayo sa bahay.”

“Sige ba!”

Nung lunch, sabay kami kumain ni Taemin. Syempre kasama yung iba ko ring classmates.

“Wait lang ah, magc-CR lang ako.”

“Sige. Bilisan mo ah? 10 minutes nalang time na.”

“Una na kayo sa room. Sige.”

Tumakbo ako papunta sa CR. Buti nalang pagpasok ko konti lang yung tao. Nakapasok agad ako sa isang cubicle. Paglabas ko, nag-ayos muna ako. Kukunin ko sana yung suklay sa bag ko ng bigla ko na namang naramdaman yung paninikip ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim ng paulit ulit hanggang maging maayos ng konti ang pakiramdam ko.

“Ayos lang po kayo?” tanong sa’kin nung isang estudyante na kalalabas lang ng isang cubicle.

“Yes. Thank you.”

“Namumutla po kayo eh.”

“I’m fine.” Ngumiti ako sa kanya para naman mapanatag yung loob niya. “Salamat.”

Into Your WorldWhere stories live. Discover now