Chapter 22: Walang pag-asa.

1.1K 29 4
                                    

Wae so adorable, Yeolie? Pero lagot ka kay Baaaaek! Hohohoho. Baekyeol FTW! Anyway, ito update! =))

Chapter 22

Luhan's Point of view

"Luhan, bumangon ka na dyan. Pupunta na tayo sa Baguio. Maghanda ka na."

"Hmm..." tumitig ako sa kisame ng hotel na tinutuluyan namin. Kasama ko sa room si Baekhyun. Request niya kay manager na pumunta kami sa Baguio. Pumayag naman yung company.

"Natulog ka ba, hyung?" Tanong ni Baekhyun paglabas niya ng banyo. "Tinatawag na tayo ni manager. Mag-ayos ka na kaya?"

"Hmmm..."

Isang oras lang yata yung tulog ko. Magdamag kong inisip yung pinagusapan namin ni Kisses.

"Ano bang nangyari kahapon? Di ka na nagkwento eh."

"Wala."

"Luhan-hyung"

"Wala. Magtu-toothbrush lang ako."

Tumayo ako at dumiretso sa cr. Naghilamos ako tapos tumingin sa salamin. Hindi ba nabigla lang si Kisses sa sinabi niya?

I sighed. Nagsimula na kong mag-ayos kahit pakiramdam ko tamad na tamad ako. Paglabas namin ng hotel room, sinalubong ako ni Xiumin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Hindi."

"Aalis ka ba ng ganito?"

"Wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Baka magalit lang siya sakin kapag pinilit ko."

"Luhan naman. Psh. Akala ko ba matatag ka? Ikaw na rin ang nagda-down sa sarili mo eh. Edi pilitin mo! Baka naman ineexpect mo rin na magkakagusto siya sayo agad? Ligawan mo muna."

"Hindi ko naman siya maliligawan ng maayos eh. Hindi naman tayo magtatagal sa Pilipinas."

"Pero may 1 week ka pa para gumawa ng paraan."

Ngumiti siya sakin pagkatapos tapikin ang balikat ko. Pero hindi ko na alam yung gagawin ko. Nagtitiwala sa’kin si Kisses na hindi mangyayari yon. Gusto kong sabihin na sa kanya na totoo ang sinasabi ko pero kapag ginawa ko yon, alam kong mawawala siya. Iiwasan niya ko. Hindi naman ako papayag na mangyari yon.

“LUHAN HYUNG!” tumingin ako kay Chanyeol. Biglang kumunot yung noo niya nung makitang seryoso ang mukha ko. “T-teka… nakatulog ka ba?”

Psh. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa tapos tinignan ang home screen ko. Last year pa tong picture na to eh. Pati yung ringtone ko antagal tagal na pero hindi ko magawang palitan. At tsaka… sinusuot niya pa kaya ang binigay kong shirt sa kanya nung nasa mall kami?

“Luhan hyung! Parang di ka naman kinakausap oh. Ayos ka lang ba?” lumapit na sa’kin this time si Chanyeol.

“Oo, medyo masakit lang ang ulo ko.”

“HALA! UMINOM KA NA AGAD NG GAMOT!” oa na sabi ni Chanyeol.

“Wag na! Yun lang kelangan nyan oh!” sabay turo ni Tao sa room katabi ng amin ni Baekhyun. “Ganda niya pala talaga.”

Bigla akong napatuwid ng tayo. Ano ba tong nagiging epekto sa’kin ni Kisses? At… at bakit siya nasa hotel na to?

“SHAW HERSHEEEEEY! MAGANDA SA LOOB!” lumabas yung isang babae.

“Naku! Natural naman. Pumasok ka na nga sa loob!”

Tinulak niya ulit papasok yung babae pero hinawakan niya yung pintuan kaya hindi siya matulak ng buo. Binatukan na ni Kisses yung babae pero mapilit pa rin.

Into Your WorldWhere stories live. Discover now