Chapter 21: Nangyari na.

1.1K 27 3
                                    

Dapat tapos na 'to last week pero ayon, ngayon lang nakapag-update. Mianhae. 1 week akong nagkasakit tapos 4 days akong naka-confine sa hospital. </3 Finals week pa last week. Pero eto na, nakarecover na naman ako kaya updated na! Hohoho. >:)

 Dedicated kay Prescy-louLizarondo : Thank you sa comment! =))

**

Chapter 21

Luhan’s Point of view

“HAHAHAHAHA! Oh my gosh!” Hinawakan niya yung pisngi niya tapos tumawa ulit ng malakas. Unti-unti kong tinakpan ang mukha ko. Lagot ako kay manager kapag may nakakilala sa’kin. Hinding hindi na talaga ako non pababalikin ng Pilipinas. “Shet. Havey sa’kin ang joke mong yon! HAHAHAHAHA!”

Tinitigan ko siya ng matagal. Nung mapansin niya sigurong seryoso na ko, tumahimik na siya pero nakangiti pa rin siya at medyo naiiling iling pa.

“Kisses—” tinakpan niya yung bibig ko ng hawak niyang tissue.

“Parang hindi yata masarap yung cake na binili natin. Magrereklamo ako kay Ate May.”

Napapikit na lang ako sa sobrang frustration. Ang tagal kong hinintay tong oras na to pero mukhang wala lang sa kanya.

“Narinig mo ba ang sinabi ko?” tanong ko sa kanya sabay tanggal ng tissue.

“Teka, may dumi ka sa lips oh.”

Pinunasan niya yung labi ko. Napatitig na lang ulit ako sa kanya. Sht! Luhan, ano ba naman yan?! Potek.

“Gusto rin kita.” Bigla niyang sinabi sa’kin. Tumigil ang puso ko sa pagtibok. Ikaw ba naman ang sabihan habang nagtititigan kayo, sinong hindi titigil ang paghinga?! “Dahil kaibigan kita. Gusto mo ko kasi kaibigan mo ko, hindi ba?”

“Ay, ewan.”

Tumayo ako at nag-umpisa maglakad palabas ng coffee shop nila. Nagbabakasakaling susundan niya ko pero pagtingin ko sa kanya, nakaupo pa rin siya at nakahawak sa ulo niya. Pssh. Asa ka pang susundan ka Luhan. Friendzoned ka nga eh.

Babalik sana ako kaya lang nakita ko siyang tumayo. Humarap siya sa’kin, nagitla pa siya nung makita niya kong nakatayo sa pwesto ko.

“Akala ko naman kung san ka pupunta. Susundan sana kita.” Sinabi niya sakin. Who wouldn’t fall for this girl? I sighed. Hindi ko naman kasi siya kayang tiisin. Ilang beses ko lang ba siyang nakikita sa isang taon?

“May naiwan ako eh.”

“Ganun ba? Sige, kukunin ko. Ano ba yun?”

“Ah, wala. Bayaran ko nalang yung—”

“Hindi magpapabayad si ate May. Sige na. Baka hinahanap ka na nila. Salamat ulit.” Maglalakad sana siya palapit sa’kin ng biglang bumuway ang lakad niya. Nakatayo naman agad siya. Dahil kinabahan ako, nilapitan ko siya pero pinigilan niya ko.

“Ayos ka lang—”

“Oo. Nasobrahan lang ako ng upo. Sige na. Bye.” Nilampasan niya ko tapos dumiretso siya papunta sa CR ng coffee shop. Gusto ko siyang sundan pero mukhang ayaw niya kaya nag-thank you lang ako sa ate niya tapos lumabas na.

**

Pumasok ako sa hotel. Nakita kong sama sama ang mga kamember ko tapos busy sa pagdadaldalan. Umupo ako sa tabi ni Lay. Napansin niya yatang wala ako sa mood kaya tinanong niya ko kung ayos lang ako. Nagkwento na rin ako. Mukhang narinig rin ng iba ko pang kasama.

"Bigyan mo kasi ng flowers. Pano maniniwala yon? Effort naman, hyung."

Sinamaan ko ng tingin si Tao. Nag-effort naman ako ah? Hindi lang talaga siya naniwala.

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon