Chapter 27: Sobra.

999 22 4
                                    

SAENGIL CHUKHA HAMNIDA DUIZHANG! <3

SAENGIL CHUKHA HAMNIDA AJIT (Kyungsoo's wifeu. Hihihi.) <3

Kahit kapahon pa. =))))

Chapter 27

 

 

 

Luhan’s Point of view

Hinilot ko ang sentido ko bago dahan dahang bumangon ng kama. Hindi pa ko tuluyan na nakakaupo ng bigla ulit akong mapahiga. Napapikit ako sa sakit ng ulo ko.

“Luhan…” sinilip ko gamit ang isang mata kung sino ang tumawag sa’kin. Nakita ko si Kris na nakatayo sa may paanan ko. “Bumangon ka na. Hindi ka pa kumakain.”

Pinilit kong bumangon. Naglakad ako papunta sa banyo para maghilamos. Hindi pa rin nawawala ang bigat ng pakiramdam ko.

Kaya naligo ulit ako para mawala ang sakit ng ulo ko. Lumabas ako at nakita ko ang ibang members. Napangiti ako. Bigo man sa pag-ibig, masaya naman sa kaibigan.

“Hyung!” sigaw ni Sehun ng makita ako. Ngumiti agad ako sa kanila. “Ayos ka na ba?”

“Oo, bakit nandyan kayo?”

“Hinihintay ka naming lumabas. Tara. Kain muna tayo.”

“Hapon na ah, hindi pa kayo kumakain?”

“Hinihintay ka namin. Wala pang alam si manager. Magtataka yung kung bakit hindi tayo sabay sabay.”

Pati sa mga ginagawa ko nadadamay ang mga co-members ko. Huminga ako ng malalim. Siguro dapat ko munang kalimutan itong problemang to. Hindi naman pwedeng magpadala lang ako sa sakit na nararamdaman ko. Pero ano nalang kayang gagawin ko kapag nakasalubong ko si Kisses dito sa hotel? Magagawa ko pa kayang ngumiti sa kanya?

“Hyung!” tumatakbong lumapit sa’kin si Lay. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit. Psh. “Sinabi sa’kin ni Tao ang nangyari, ayos ka lang ba?”

“Oo, ayos lang ako.”

Parang may gusto pa siyang sabihin pero tumahimik nalang. Dumating din si Suho, ngumiti siya sa’kin pero alam kong hindi totoo ang ngiting yun. Hindi ko nalang pinansin.

Into Your WorldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt