Chapter 80

12K 396 83
                                    

Nagkusang bumaba ng sasakyan si Brenda nang payagan nito si Kevin na sundan si Maya sa airport.

"I'm fine, just go." ang nasabi na lamang ni Brenda nang bumaba ito ng sasakyan.

"Thank you." ang sagot naman ni Kevin at pagkatapos ay mabilis na pinaandar ang sasakyan patungong airport.

"I never thought that I would lose to someone like Maya." wika ni Brenda sa kanyang sarili habang tinatanaw ang sasakyan ni Kevin. "Be happy, Kevin." dagdag pa nito.

Mabilis na pinarada ni Kevin ang sasakyan nito nang makarating ito sa airport.

Nananalangin ito na sana ay hindi pa huli ang lahat at maabutan pa si Maya.

Mabilis na tumakbo ito sa may Departure Area upang tingnan kung naroroon pa si Maya ngunit hindi niya makita ito.

Napaisip ito dahil hindi niya naman alam kung anong oras ang flight nito pauwi ng probinsya.

Ngunit hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa at iniisip na maaabutan at makikita niya pa rin si Maya.

Sinubukan nitong umikot-ikot sa paligid upang hanapin si Maya at nagbabakasakaling naka-upo lamang ito sa isang tabi habang hinihintay ang flight nito.

Halos malibot na nito ang buong airport ngunit hindi niya nakita si Maya.

Naisip nito na mahihirapan siyang hanapin ito dahil hindi rin nito alam kung saang probinsya uuwi si Maya.

"Bakit kasi hindi ko natanong sa'yo ito kanina?" wika ni Kevin sa kanyang sarili.

Ngunit hindi pa rin ito nawalan ng pag-asa.

Mabilis na nagbalik ang binata sa kanyang sasakyan at nagmaneho sa kabilang Terminal at magbabakasakaling nandoon si Maya.

Nang maiparada na nito ang kanyang sasakyang ay mabilis na nilibot nito ang airport upang hanapin si Maya.

Nagtungo ito sa lahat ng sulok ng airport ngunit bigo pa rin itong hanapin si Maya.

"I hope you're there." wika ni Kevin sa kanyang sarili nang isipin na maaring doon sa isa pang terminal sasakay si Maya ng eroplano.

Mabilis na nagbalik ulit ito ng kanyang sasakyan at nagmaneho sa pinakabagong terminal si Kevin upang hanapin si Maya.

Nalibot na rin nito ang lahat ng pwedeng puntahan ngunit bigo pa rin itong makita si Maya.

"I guess, I'm too late." ang nasabi na lamang ni Kevin sa kanyang sarili.

Nagbalik ito sa kanyang sasakyan.

Uminom muna ito ng tubig upang pawiin ang pagod na nadarama dahil sa pagtakbo nito kakahanap kay Maya.

Kinuha nito ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at sinubukang tawagan ang numero ni Maya.

"The number that you dialed is unattended or out of coverage area." ang voice prompt na natanggap ni Kevin nang tawagan nito ang numero ni Maya.

"Maya." ang nasambit na lamang ni Kevin sa kanyang sarili.

Malalim na buntung-hininga ang nagawa na lamang ng binata bago nagmaneho pauwi ng condo unit.

Nang makarating naman si Raphael sa condo unit nina Kevin ay mabilis na umakyat ito sa pent house upang puntahan si Maya.

Hindi na siya sinita sa may lobby dahil kilala na naman siya ng mga tauhan dito.

Nang makarating ito ng pent house ay nag-doorbell ito ngunit wala siyang natanggap na sagot.

Kinuha nito ang kanyang cellphone mula sa bulsa upang subukan na tawagan ulit si Maya kahit ilang beses na nito sinubukang tawagan ngunit "unattended" na ito.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now