Chapter 21

12.7K 403 16
                                    

Araw na ng pasahan ng kanilang project. Naunang nag-present sina Kevin at Maya.

"That concludes our presentation." sabi ni Maya sa harap ng klase habang si Kevin naman ang nag-operate ng slides.

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase nila sa pinakita nilang presentation.

"Very good Mister Manlapaz and Mister Buenavista." papuri ng kanilang professor. "Hindi ako nagkamali na pagsamahin kayong dalawa." dagdag pa nito.

"Thank you po, Sir!" sagot naman ni Maya.

"Ok. Our next presenter will be Mister Ongpauco and Miss Lee." wika ng professor.

Tumayo naman si Raphael dala ang kanyang laptop at nagtungo sa harap ng klase.

"I'm sorry but Miss Lee won't make today because she's at the hospital right now." sabi ni Raphael sa harap ng klase. "But I will present our project on her behalf. I can assure you that we completed this project together." patuloy pa nito.

Nandilat naman si Kevin sa nalaman. Hindi ito makapaniwala na mas alam pa ni Raphael ang lagay ngayon ni Brenda kesa sa kanya.

"Go ahead." sabi naman ng kanilang professor.

Nagpatuloy na si Raphael sa kanyang presentation.

Umupo naman si likod si Kevin at kinuha ang cellphone nito. 

"How are you?" text message na pinadala nito kay Brenda.

Napatingin naman si Maya kay Kevin at tinitignan ang ginagawa nito.

"Mukhang nag-aalala ng husto si 'Mister Snobbish' kay Brenda." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili habang titig na titig kay Kevin. Hindi niya maintindihan ngunit para itong nakakaramdam ng selos.

"Mag-aalala rin kaya siya sa akin tulad ng pag-aalala niya ngayon?" sambit pa ni Maya sa kanyang sarili.

Nang matapos ang klase ay lumapit si Kevin kay Raphael.

"Anong nangyari kay Brenda?" tanong ni Kevin kay Raphael.

"Sinugod siya kahapon sa ospital dahil sa over-fatigued." sagot ni Raphael. "Hindi ka ba niya sinabihan today?" tanong pa nito.

"Hindi eh." sagot ni Kevin.

Napatahimik na lamang si Raphael dahil hindi na rin nito alam ang susunod na sasabihin kay Kevin. Naisip nito na baka ma-offend ito dahil mas nauna pa niyang nalaman ang nangyari kay Brenda samantalang siya ang boyfriend nito.

"Saang ospital ba siya ngayon?" tanong ulit ni Kevin.

"Sa Makati Med." sagot ni Raphael.

Tumingin naman si Kevin kay Maya.

"Busy ka ba after ng klase natin today?" tanong ni Kevin kay Maya.

"Babalik ako sa atin upang magluto." sagot ni Maya. 

"Makikisuyo sana ako kung pwede mo rin ipagluto si Brenda ng porridge. Dadalhin ko sa ospital para sa kanya." wika ni Kevin.

Nagkatinginan naman bigla si Raphael at Maya.

"Sure. Gagawa agad ako pagkatapos ng klase natin." sabi ni Maya.

"Salamat." tugon ni Kevin. "Sabay na tayo umuwi." dagdag pa nito.

"Sige po." sagot naman ni Maya at pagkatapos ay sumama na kay Raphael palabas ng silid upang pumunta sa susunod na klase.


Nang matapos na ang klase nila ay sabay na lumabas ng campus sina Raphael at Maya.

"Hindi ba ipagluluto mo pa si Kevin?" tanong ni Raphael kay Maya.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now