Chapter 51

10.3K 306 11
                                    

Halos antok pa habang lumalakad sa hallway patungo sa silid-aralan nila si Raphael dahil late na rin ito nakatulog kagabi kakaisip tungkol kay Maya.

"Why am I thinking about Maya?" tanong ni Raphael sa kanyang sarili.

Iniisip kasi nito kung bakit niya nasabi kay Kevin na kaya niyang ligawan si Maya kahit na isa itong bakla.

"Did I just said that to compete with Kevin or did I really mean it?" tanong pa nito.

Nararamdaman nitong nakikipagkumpetensya lang si Kevin sa kanya sa 'pakikipagkaibigan' kay Maya. 

"Why does Kevin even bother to compete with me?" tanong pa nito sa kanyang sarili. "Is it because of Brenda?" dagdag pa nito.

Naiisip din kasi nitong maaring nakikipagkumpetensya si Kevin sa kanya dahil nagkataon na may gusto sa kanya ang gusto niyang si Brenda and ito ang isang paraan to get even.

"Isn't he being childish kung totoo ang kutob ko?" sabi pa nito.

Pero ang malaking nagpapabagabag sa kanya ay ang kadahilanan 'bothered' ito na maagaw ni Kevin ang friendship na meron sila ni Maya. 

"Why am I bothered? Maya has all the right to make friends to anyone he likes." sambit pa nito sa kanyang sarili.

Pagpasok ni Raphael ng silid-aralan ay nakita nitong nasa loob na si Maya at kumakaway sa kanya upang bumati. Ngumiti naman siya bilang tugon dito.

"Late ka ata ngayon?" sabi ni Maya sa kanya nang lumapit siya dito. "Tinanghali ka ng gising?" tanong pa nito.

"Oo." matipid na sagot ni Raphael.

"Pinagluto pala kita ng lunch." sabi ni Maya sa kanya. "Maaga kasi ako nagising kaya naisip kong magluto at magbaon na pagkain. Naisip ko rin na ipagluto na rin kita." dagdag pa nito.

"Salamat." tugon ni Raphael.

Tinitigan ni Raphael si Maya.

"No wonder kung bakit bothered ako." sabi ni Raphael sa kanyang sarili. "Isa ka talagang mabuting tao at mabuting kaibigan." dagdag pa nito.


Hindi magawang mag-focus ni Raphael sa klase kakaisip sa nararamdam nito para kay Maya. Lalo pa itong nabagabag nang minsan mapalingon siya kay Kevin at nakitang nakatingin ang binata kay Maya.

Hindi nito maintindihan ngunit nakaramdam siya ng selos.

"Jealous?" sambit pa ni Raphael sa kanyang sarili. "Why should I?" dagdag pa nito.

Kaya nang matapos ang klase ay nagpaalam si Raphael kay Maya.

"Uuwi na muna ako?" sabi ni Raphael. Naisip nitong huwag na lang muna pumasok sa klase nang araw na iyon dahil wala nga ito sa sarili.

"Bakit?" gulat na tanong ni Maya. "Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong pa nito.

"Oo." palusot na lamang ni Raphael.

"Ok." wika naman ni Maya. "Iuwi mo na lamang itong niluto ko sa'yo." dagdag pa nito.

"Salamat." tugon ni Raphael at pagkatapos ay kinuha ang pagkain at umalis na rin.

"Sorry, Maya." sambit ni Raphael naman sa kanyang sarili habang naglalakad palabas ng campus. "I need time to think." dagdag pa nito.


Si Kevin naman ay lumapit kay Maya nang makitang umalis si Raphael.

"Saan pupunta si Raphael?" tanong ni Kevin.

"Uuwi daw muna siya dahil masama daw ang pakiramdam niya." sagot ni Maya.


Pagkatapos ng klase ay derechong nagtungo si Maya sa coffee shop upang magtrabaho.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now