Chapter 75

9.4K 314 57
                                    

Matapos ang ilang buwan ay magtatapos na rin ang semestre.

Mula nang insidente sa loob ng elevator, minabuti na lamang ni Maya na maging kaswal kay Kevin upang malimutan na ang nararamdaman dahil alam nitong hanggang 'kaibigan' lamang ang maging turingan nila sa isa't-isa.

Simula naman nang maikwento ni Maya ang nangyari sa elevator sa pagitan nila ni Kevin kay Raphael, parang nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya.

Napansin kasi nito, nitong mga nagdaang linggo, laging abala si Raphael. Maaga itong umaalis ng eskwelahan pagkatapos ng kanilang klase. Madalas rin na ang Papa nito ang nagpapalakad ng coffee shop sa kadahilanang may inaasikaso daw ito.

"Baka busy lang talaga siya." sabi na lamang ni Maya sa kanyang sarili habang isa-isa nang nililigpit ang mga lamesa at silya ng coffee shop.

Nang matapos na sila ay nagpaalam na si Maya para umuwi.

Nauna nang umalis ang mga kasamahan nito dahil inayos pa ni Maya ang kanyang mga dalang gamit para sa proyekto nila sa eskwelahan.

Nang makapagligpit na ng gamit ay dumaan ito sa may backdoor at doon na lumabas mula sa coffee shop.

Nagulat ito nang biglang may pumarada na sasakyan ng harap ng coffee shop.

Nang matanaw niya ito ay nakilala niyang sasakyan ni Raphael iyon.

"Si Raphael pala ito." sambit ni Maya sa kanyang sarili.

Lumakad ito patungo sa harap ng coffee shop upang salubungin ang binata ngunit natigilan ito nang makita niyang may kasamang babae itong bumaba ng sasakyan.

Mabilis na nagtago ito sa gilid upang hindi matanaw ng dalawa.

"Sino yung kasama niya?" tanong ni Maya sa kanyang sarili.

Nakita niyang pumasok ang dalawa sa loob ng coffee shop.

Ayaw niya man mag-usisa ay hindi nito napigilan kaya sumilip ito sa may bintana upang tanawin ang dalawa.

Nakita nitong derechong pumasok ang dalawa sa loob ng opisina ni Raphael.

Mabilis na tumakbo si Maya sa may likuran upang silipin ang dalawa sa loob ng opisina mula sa bintana sa likod.

Pagsilip nito ay nakita niyang magkayakap ang dalawa.

"I told you, no one's here during this time of hour." wika ni Raphael sa babaeng kasama nito habang hawak-hawak niya ito sa balakang.

"Are you sure that no one's gonna come?" tanong ng babae kay Raphael.

"Trust me, there's none." sagot ni Raphael at sinimulan nang halik-halikan nito ang babae.

Napapahiyaw naman ang babae sa kilig at gumanti na rin sa halikan kay Raphael.

Nagulat naman si Maya sa kanyang nakita kaya hindi sinasadyang natabig nito ang mga nakatayong trash bin sa eskenita at nagdulot ng ingay.

"What's that?!" tanong bigla ng babae at natigilan sa ginagawa.

"Never mind that." sagot naman ni Raphael. "Maybe that's just a stray cat." patuloy pa nito at hindi pa rin tumigil sa paghalik sa babae.

"Stop it, Raphael!" wika ng babae at napapangiti sa tuwang nararamdam sa ginagawa sa kanya ng binata.

Hindi naman nagpatigil si Raphael at nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa.

Mabilis naman tumakbo palayo si Maya mula sa coffee shop.

Nang makalayo ay tumigil muna ito saglit dahil sa hingal.

Stuck with Mr SnobbishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon