Chapter 30

11K 335 23
                                    

"Where's Kevin?" tanong ni Brenda nang datnan nito sina Raphael at Maya.

Natigilan na lamang ang dalawa at nagkatinginan.

Parang nakaramdam naman ng selos si Brenda nang makitang magkasama sina Raphael at Maya.

Ilang saglit pa ay dumating na rin si Kevin may dalang mga pagkain.

"Babe, what are you doing here?" tanong ni Kevin. "Are you here to visit Maya too?" dagdag pa nito.

"I'm here to see you." mabilis na sagot ni Brenda sabay yakap kay Kevin.

Napatingin na lamang si Maya sa dalawa at halatang nagseselos na rin ito.

"Let's talk outside Babe, maraming tao dito." sabi naman ni Kevin. "Nandito rin sina Raphael at Maya." dagdag pa nito.

"That's exactly my intention. I want Raphael to see us cuddling." sabi naman ni Brenda sa kanyang sarili at intensyon niya talagang pagselosin si Raphael.

Lingid sa kaalaman naman ni Brenda na walang pakialam si Raphael sa dalawa. Sa katotohanan ay si Maya ang higit na apektado kina Kevin at Brenda.

"Here's the food." wika ni Kevin kina Raphael at Maya. "Sa labas ng muna kami ni Brenda." dagdag pa nito.

"Get well soon." sarkastikong sabi naman ni Brenda kay Maya.

"Salamat." matipid na sagot ni Maya.

Pagkatapos ay lumabas na ang magnobyo.

"Kung makalingkis sa boyfriend akala mo ahas." ang nasabi ni Maya nang umalis na ang dalawa.

Natawa naman bigla si Raphael sa tinuran ni Maya.

"Bakit? Nagseselos ka?" sabi pa ni Raphael.

"Hindi ah!" mariing tanggi ni Maya. "Akala mo kasi maaagaw ang boyfriend niya. Eh kung tutuusin eh sa'yo siya patay na patay." dagdag pa nito.

"Honestly, nararamdaman kong sinasadya niya talaga gawin yun para pagselosin ako." pag-amin ni Raphael.

"So nagseselos ka?" tanong ni Maya.

"Nope." maiksing sagot ni Raphael. "Pero ikaw ang halatang nagseselos." patuloy pa nito.

Natahimik na lamang si Maya.

Sa labas naman, nag-usap ang magnobyong sina Kevin at Brenda.

"What are you doing here? Are you here to visit Maya?" tanong ni Kevin.

"Of course not!" sabi ni Brenda. "I'm here to check on you. Bakit kasi kailangan ikaw pa ang magbantay sa kanya kung pwede naman pala si Nanay Fely ang magbantay sa kanya." patuloy pa nito.

"May mga gawain rin kasi si Nanay Fely sa amin kaya hindi rin siya pwedeng magbantay ng matagal. And besides, ako ang kasama ni Maya sa condo unit kaya kahit paano eh obligado akong bantayan rin siya." sabi ni Kevin. "And siya rin ang nagbantay sa akin noong oras na nagkasakit din ako." dagdag pa nito.

Nanlaki naman ang mata ni Brenda sa nalaman.

"What?! When did that happened?" usisa pa nito.

"That time when you visited me." sagot ni Kevin.

"I hope he did not take advantage of you." sabi pa ni Brenda.

"Of course not." sagot ni Kevin. "And I don't think na ganong klaseng bakla si Maya." dagdag pa nito.

"So when did you start defending him?" sabi pa ni Brenda at halatang naiinis na.

"I'm not defending him. I'm just telling the truth." sagot ni Kevin.

"I really think that you're starting to care about that fag." naiinis na wika ni Brenda.

"Watch your word, Brenda." suway ni Kevin. "Wala naman ginagawang masama yung tao." dagdag pa nito.

Halos malukot na parang papel na ang mukha ni Brenda sa sinabi ni Kevin.

"You never heard anything from me since the time I accepted that you'll be living with him. But this is too much!" sabi ni Brenda.

"Wala naman kaming ginagawang masama." wika ni Kevin. "Hindi rin naman ako nagre-react during the time na kinukuha mo ang atensyon ni Raphael." patuloy pa nito. "Matagal ko naman nahahalata na tuwing nandiyan si Raphael, nagiging extra sweet ka sa akin and that's why I'm assuming that you're doing it on purpose to make Raphael jealous." dagdag pa nito.

"Are you accusing me of flirting Raphael in front of you." galit na wika ni Brenda.

Tumahimik lamang si Kevin at hindi sumagot.

"Unbelievable!" wika ni Brenda.

"Let's just talk when you cooled down." sabi ni Kevin dito.

Lumakad palayo ang dalaga ang sumakay ng kanyang sasakyan habang nakamasid lamang si Kevin dito. At nang makaalis na sasakyan ni Brenda ay nagbalik na si Kevin sa loob at pinuntahan sina Raphael at Maya. Nang malapit na siya sa kinaroroonan ng dalawa ay nadinig nitong nagtatawanan ang dalawa. Nang dumating siya ay tumigil ang dalawa.

"Where's Brenda?" tanong ni Raphael nang makita ang binata.

"She left." sagot ni Kevin.

"Ok lang po ba kayo?" tanong naman ni Maya nang maramdamang matamlay ito.

"I'm fine." sagot ni Kevin.

"Mauna na rin ako."wika ni Raphael. "Magpagaling ka na para makapasok ka na ulit." sabi pa nito kay Maya.

"Salamat sa pagbisita." sagot ni Maya.

"Alis na ako, Kevin." sabi naman ni Raphael sa binata.

"Ingat." matipid na sagot ni Kevin.

Pagkatapos ay umalis na rin si Raphael. Nang makaalis na si Raphael ay kumuha ng pagkain si Kevin mula sa paper bag na bitbit nito kanina at kumain.

Napansin naman ni Maya na tahimik ang binata mula nang magbalik ito.

"Ok lang ba kayo?" tanong ni Maya kay Kevin.

"Ok lang." matipid na sagot nito at patuloy sa pagkain.

Nararamdaman naman ni Maya may bumabagabag sa binata ngunit hindi niya ito mapilit magsabi sa kanya.

"Kung may problema kayo, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa akin para gumaan kahit paano yang nararamdaman ninyo." ang sinabi na lamang ni Maya dito.

Napatingin at napangiti na lamang si Kevin kay Maya.

"Thanks." sagot ni Kevin. "But I'm really fine." dagdag pa nito.

Ngumiti na lamang din si Maya bilang tugon dito.

Stuck with Mr SnobbishOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz