Chapter 29

11.9K 358 10
                                    

Kinabukasan, pumasok si Raphael sa eskwelahan. Nang papasok na ito ng kanilang silid-aralan ay nakasalubong nito si Brenda. Ngumiti ito sa dalaga at ngiti rin lang ang tinugon nito sa kanya.

"Hindi mo kasama ngayon si Kevin?" tanong ni Raphael kay Brenda.

"Hindi pa siya nakakatulog mula kagabi doon sa ospital." sagot naman ng dalaga.

"Siya ang nagbantay kay Maya buong magdamag?" gulat na tanong ni Raphael.

"Yeah." sagot ni Brenda. "But I think Aling Fely is the one taking care of Maya right now." patuloy pa nito.

Natahimik na lamang si Raphael at hindi makapaniwala na ginawa ni Kevin yun kay Maya.

Si Maya naman ay medyo masigla na kumpara noong gabing sinugod ito sa ospital. Kasama niya si Aling Fely na nagbantay sa kanya nang umuwi si Kevin upang matulog.

"Marami pong salamat Nanay Fely sa pagbantay ninyo po sa akin." wika ni Maya sa may edad na babae.

"Walang anuman iyon." sagot naman nito sa kanya. "Mahigpit na bilin sa akin ni Sir Ric na bantayan ka dito dahil hindi siya makadaan ngayon dahil may importante siyang meeting ngayon." patuloy pa nito. "Pero pipilitin niya daw makapunta at madalaw ka." dagdag pa niya.

"Naku, kahit hindi na po. Ayaw ko po maging abala pa sa kanya." wika ni Maya.

"Huwag mong isipin yun!" sagot naman ni Aling Fely. "Tinuturing ka na talaga ni Sir Ric bilang isang tunay niyang anak." dagdag pa nito.

Napangiti na lamang si Maya bilang tugon dito.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nagulat si Maya nang biglang dumating si Kevin kasama ang ama nitong si Ricardo.

"Ano pong ginagawa ninyo dito?" gulat na tanong ni Maya.

"Tinitignan ko lang ang lagay mo dito." sagot naman ni Ricardo. "I'm making sure that you're fine." dagdag pa nito.

"Nag-abala pa po kayo." nahihiyang wika naman ni Maya. "Ok lang naman po ako at saka alam ko naman po kung gaano po kayo ka-busy." dagdag pa nito.

"Huwag mong isipin na abala ka sa akin dahil para na rin kitang tunay ko anak." sagot ni Ricardo. "Naikwento rin sa akin ni Kevin na ikaw daw ang nag-alaga sa kanyan noong panahong nagkasakit siya, kaya gusto lang rin namin bumawi sa kabutihan mo." patuloy pa niya. "Nagmana ka talaga sa kabutihan ng tatay mo." dagdag pa nito.

Napangiti na lamang ulit si Maya bilang tugon dito.

"Nagsabi na si Kevin sa akin na siya na ulit muna ang magbabantay sa'yo ngayon." sabi pa ulit ni Ricardo. "Pwede ka na ulit umuwi Nanay Fely. Si Kevin na muna ulit ang bahala dito." dagdag pa nito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Maya. Hindi ito makapaniwala na si Kevin ulit ang magbabantay sa kanya ngayon. Pa-simple itong tumingin sa gwapong binata. Nakita niya itong ngumiti sa kanya nang makita siyang tumitingin dito.

"Hindi po ba kayo papasok ngayon?" tanong naman ni Maya kay Kevin.

"Nakapagpaalam na ako sa mga prof natin." sagot ni Kevin.

"Eh paano po si Brenda?" tanong pa ulit ni Maya.

"Nagsabi na rin ako sa kanya. Naiintindihan naman niya dahil alam niyang wala ka nang kamag-anak dito na pwedeng mag-asikaso sa'yo." sagot ni Kevin.

"Salamat po." tugon na lamang ni Maya.

"O sige, mauna na ako dahil may meeting pa ako." singit naman ni Ricardo.

"Sige po. Salamat po ulit sa pagpunta." wika naman ni Maya.

"Magpagaling ka." ang sabi na lamang ni Ricardo at pagkatapos ay lumabas na rin ito.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now