Chapter 42

11.1K 331 57
                                    

Araw ng Sabado.

Maagang gumising si Maya dahil ayun ang araw na magrere-retreat sila sa Tagaytay. Nagluto ito ng agahan nila ni Kevin.

Habang nagluluto ay nagising na rin si Kevin.

"Good morning!" masiglang bati ni Maya sa binata.

Ngumiti naman si Kevin dito.

"Good morning." sagot ni Kevin at pagkatapos ay kumuha ng tubig mula sa refrigerator.

"Baka gusto mong kumain na. Nagluto ako ng bacon and egg." sabi ni Maya kay Kevin.

"Sige." sagot nito. "Maliligo at mag-aayos lang ako ng gamit." dagdag pa nito.

"Ok." wika naman ni Maya. "Nilagay ko na doon sa may lamesa." patuloy pa nito. "Kailangan ko na rin maligo at mag-ayos ng gamit pagkatapos nito. Mauna ka nang kumain kung hindi pa ako tapos." dagdag pa nito.

Kaya nang matapos na silang kumain at makapag-ayos ay sabay na silang nagtungo ng campus.

"Hindi ba, annually eh may retreat talaga sa school?" tanong ni Maya kay Kevin.

"Oo." sagot nito. "Hindi nga ako sanay ngayon dahil taon-taon ay kasama ko si Brenda." patuloy pa nito. "Kahit noong nasa Engineering pa ako, sumama ako sa retreat nila para makasama lang si Brenda." dagdag pa nito at halata ang lungkot sa mukha.

"Huwag mo na ng isipin yun, past is past." wika naman ni Maya. "Be cheerful, nawawala ang kagwapuhan mo kapag malungkot ka." dagdag pa nito.

Napatingin naman si Kevin dito.

"So sa tingin mo, gwapo ako?" tanong ni Kevin.

Nag-blush naman bigla si Maya dahil hindi niya rin alam kung bakit nasabi niya ng deretso iyon kay Kevin.

"Oo naman." sagot na lamang ni Maya. "Magiging heartthrob ka ba sa campus kung hindi ka gwapo." palusot na lamang nito.

"Inaamin mo niyan na attracted ka sa akin?" tanong pa ulit ni Kevin.

"Wow ah?!" sagot ni Maya. "Wala akong sinabing attracted ako sa'yo. Sinabihan ka lang na gwapo, attracted na agad?!" dagdag pa nito.

"Sige nga, tumingin ka sa akin ng derecho at sabihin mo sa akin na hindi ka attracted sa akin." hamon nito.

Dahil totoo naman na attracted siya sa binata, nag-isip na lang ito ng palusot upang hindi mabuko.

"Magtigil ka na nga diyan." wika na lang ni Maya. "Mag-focus ka sa pagmamaneho  at baka mabangga tayo." patuloy pa nito.

"Guilty ka noh?!" pang-aasar pa ni Kevin. "Iniiba mo na ang usapan." dagdag pa nito.

"Feeling ka rin noh, 'Mister Snobbish'." sabi pa ni Maya.

"'Mister Snobbish' talaga?" sagot ni Kevin. "Baka nga term of endearment mo sa akin yang 'Mister Snobbish'." dagdag pa nito.

"Tse!" ang sabi na lamang ni Maya. Hindi na ito nagsalit pa dahil baka lalo lang siyang mabuko.

Natawa na lamang si Kevin dahil binibiro niya lamang ito. Lingid sa kanyang kaalaman eh totoong may feelings na si Maya sa kanya.

Si Raphael naman ay nauna na sa eskwelahan at hinihintay ang kaibigan nitong si Maya. Nagulat ito nang makitang bumaba ito mula sa sasakyan ni Kevin.

Nakaramdam ito nang pagkainis nang makitang masayang nag-uusap sina Kevin at Maya. Nakita pa nitong parang nagbibiruan ang dalawa na para bang malapit na sa isa't-isa.

Mabilis nitong sinalubong at nilapitan si Maya.

"Kanina pa kita hinihintay." sabi ni Raphael dito.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now