Chapter 57

9.4K 298 53
                                    

Sa guest room ng mga Lee namamalagi si Kevin kapag nandoon ito sa kanila upang bantayan si Brenda. Dinadalhan na lamang ni Kevin ng pagkain ang dalaga sa loob ng silid nito.

"Ako na po ang magdadala nito kay Brenda." sabi ni Kevin sa mama ng dalaga nang makitang nakahanda na ang pagkain nito.

"Sige, hijo." sagot naman nito sa binata. "Salamat." dagdag pa nito.

Ngumiti lamang si Kevin bilang tugon dito at pagkatapos ay kinuha na ang pagkain at dinala sa silid ni Brenda.

Nang makarating namman si Kevin sa silid ay nakita nito si Brenda na kagigising lang.

"Kumain ka na." bungad ni Kevin. "Dinala ko na itong pagkain mo." dagdag pa nito.

Tumingin lamang si Brenda dito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Kevin sa dalaga.

Nakatingin lang si Brenda.

"Are you ok?" tanong ulit ni Kevin nang makitang nakatitig lamang si Brenda sa kanya.

"Nakausap mo na ba si Maya?" tanong naman ni Brenda sa kanya.

Kumunot naman ang noo ni Kevin.

"Tungkol saan?" tanong naman ni Kevin.

"Tungkol sa pag-alis mo sa condo unit." sagot ni Brenda.

"Hindi pa." sagot naman ni Kevin. "Hindi pa kami nagkikita dahil kung umuuwi ako eh tulog na siya." dagdag pa nito.

"Sana makaalis ka na doon as soon as possible." sabi ni Brenda.

"Hindi naman ganon kadali ang pinapagawa mo. Wala pa nga akong nakikitang malilipatan." wika naman ni Kevin. "And I also need to advise my dad too. Mag-iisip pa ako ng dahilan na sasabihin ko sa kanya dahil magtataka yun kung bakit gusto kong umalis ng condo unit. Iisipin niyon na may hindi kami pagkakaunawaan ni Maya at magagalit sa akin yun." paliwanag pa ni Kevin.

"So may basbas pala talaga ng dad mo ang pagtira ni Maya sa inyo." sabi ni Brenda.

"Oo." sagot ni Kevin. "Alam mo na naman ang buong istorya kung paano at bakit siya nakatira sa condo." dagdag pa nito.

"I'm really surprised na pumayag ang dad mo na makasama mo ang baklang iyon." wika ni Brenda.

Medyo nagsalubong naman ang kilay ni Kevin sa sinabi ni Brenda.

"Why not?" sabi ni Kevin.

"What if may gawin sa'yo ang baklang iyon sa iyo?!" sagot ni Brenda.

"Hindi naman kasi ganyan mag-isip ang dad ko." sabi naman ni Kevin. "At saka napatunayan ko naman na hindi ganoong klase tao si Maya." dagdag pa nito.

"In that case, mas mabuti talagang makaalis ka na sa condo as early as possible." wika ni Brenda.

"Bakit?!" tanong ni Kevin.

"Imagine, pinagtatanggol mo na ngayon si Maya." sagot ni Brenda. "What more pa kung nagtagal ka pa doon? Mas mas lalong gumaan na ang loob mo sa kanya." dagdag pa nito.

"Brenda." sambit ni Kevin.

"What if dumating ang time na mas piliin mo na siya sa akin?!" sabi pa ni Brenda at umarteng sumasakit ang ulo.

Dahil alam na hindi pwedeng ma-stress masyado si Brenda kaya pinagbigyan  na lamang ni Kevin ang dalaga.

"I will my best na makaalis agad sa condo." sabi na lamang Kevin.

Yumakap na lamang si Brenda sa binata.

"Please, layuan mo na si Maya agad." sabi ni Brenda at kunwaring parang naiiyak dahil naramdaman nitong umeepekto ang pag-arte nito. "Hindi ko na makakayanan na pati ikaw ay maagaw ni Maya mula sa akin." dagdag pa nito.

Stuck with Mr Snobbishजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें