Chapter 76

9.1K 350 58
                                    

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at dumating na rin ang nalalapit na pagtatapos ni Maya.

Kahit mahirap at pinilit na lamang nito maging kaswal sa dalawang binata na sina Kevin at Raphael.

Nakaupo ito sa gilid ng coffee shop habang naghihintay ng customer.

"Dalawang linggo na lamang, aalis na ako dito." sabi pa nito sa kanyang sarili. "Pupuntahan ko na si Tito Ric mamaya para makapagpaalam at sabihin ang plano ko." patuloy pa nito at kinuha ang cellphone nito mula sa kanyang bulsa at nagpadala ng text message kay Ricardo.

Mabilis naman sumagot si Ricardo at pumayag na makipagkita dito at sinabihang magpunta na lamang sa mansyon.

"Salamat po." tugon na lamang ni Maya sa mensahe ni Ricardo.

Naisip rin nito kung paano siya magpapaalam sa coffee shop.

"Siguro magpapaalam na lang ako isang araw bago ako umalis." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili. "Mag-immediate resignation na lang ako, mag-iisip na lang ako ng valid reason kung bakit ko kailangan ko agad umalis." dagdag pa nito.

Lumungkot bigla ang mukha nito nang maalala si Raphael.

"And I'm sure, it's not a big deal anymore since hindi na rin naman ako masyado pinapansin ni Raphael." wika pa nito.

Nalulungkot ito sa ideyang nakipagkaibigan ito sa kanya ngunit sa isang iglap ay parang magkakilala na lamang sila. Iniisip nito kung may nagawa ba itong mali para ganon na lamang siya tratuhin ng binata.

"Is he testing his charm to me at tinitignan niya kung mafa-fall ako sa kanya?" tanong pa ni Maya sa kanyang sarili. "Hindi naman siguro." pagtanggi nito.

Nadinig bigla nitong bumukas ang pintuan ng coffee shop.

Nagulat ito nang makitang si Raphael ang pumasok.

Ngumiti si Maya dito.

Pilit na ngiti naman ang tinugon ni Raphael at pagkatapos ay derechong nagtungo ito sa opisina.

Pinagmasdan na lamang ni Maya ang binata


Si Raphael naman ay nililingon si Maya sa labas mula sa opisina nito habang kausap ang ama.

"I'm sorry Maya, I have to distance myself to you." wika ni Raphael sa kanyang sarili. "Kailangan ko munang kilalanin ang sarili ko dahil nalilito na rin ako." patuloy pa nito. "Hindi ko na rin alam kung higit sa pagkakaibigan na rin ang pagtingin ko sa'yo." dagdag pa nito.

Napagdesisyunan ni Raphael na dumistansya kay Maya simula nang ikwento nito ang nangyari sa kanila ni Kevin sa loob ng elevator. Nakita kasi nito kung gaano nasaktan si Maya nang makumpirma nitong hanggang pagkakaibigan lamang ang patutunguhan ng pagsasama nila ni Kevin. Nakaramdam ito ng tuwa sa ideyang hindi na makukuha pa ni Kevin si Maya pero nalungkot pa rin ito para kay Maya. Naisip tuloy bigla nito at natakot na baka ganon rin ang mangyari sa kanila ni Maya. Natakot ito na baka mahulog na rin ang loob ni Maya sa kanya samantalang hindi pa ito handa ngayon na hindi pa siya sigurado sa nararamdaman para kay Maya. Gusto niya talaga maging kaibigan si Maya ngunit bakit may mga pagkakataon na parang babae na rin ang turing niya dito at nagkakaroon ito ng pagnanais na maging higit pa sa pagkakaibigan ang pagsasama nila.

"Should I consider now myself at gay too?" tanong pa ni Raphael sa kanyang sarili.

Dahil sa ideyang iyon ay nagsimula ulit itong mag-flirt sa mga babaeng nakikilala nito sa mga bar na pinupuntahan nito. Ngunit discreet lamang siya sa kanyang mga ginagawa dahil gusto pa rin nitong tuparin ang pangako sa kanyang magulang na magtapos muna ng pag-aaral bago atupagin ang mga ganong klaseng bagay.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now