Chapter 62

9.8K 314 64
                                    

Nakayukong kumakain si Maya habang kaharap si Kevin sa lamesa. Nahihiya itong tumingin sa binata dahil naiisip pa rin nito ang kanyang panaginip.

Ngunit kahit paano ay naiisip pa rin nito kung ano nga talaga ang itsura ni Kevin kung naka-underwear nga lamang ito.

"Ano bang pinag-iisip mo, Maya?!" sabi pa nito sa kanyang sarili.

Natigil lamang siya nang tawagin siya ni Kevin.

"Maya!" wika ng binata.

Tumingin naman ito dito.

"Ano yun?" tanong ni Maya.

"Next week naka-schedule ang flight natin, sabi ni dad." sabi ni Kevin.

"Next week na agad?!" gulat na sambit naman ni Maya.

"Tatlong linggo lang ang sembreak natin kaya naibook agad tayo ng secretary niya." sagot ni Kevin.

"Kaso wala naman akong pang-pocket money doon." nag-aalalalang wika naman ni Maya.

"Huwag kang mag-alala, sagot lahat ni dad ang gastos mo doon." tugon naman ni Kevin. "I think bibigyan ka niya ng credit card para magamit mo doon." dagdag pa nito.

"Grabe, nakakahiya naman!" wika ni Maya.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan." sabi pa ni Kevin. "Isipin mo na lang yan as his reward sa mga hardwork mo, especially for our family." patuloy nito. "Walang katumbas na salapi ang binigay ninyong mag-tatay sa amin." dagdag pa niya.

Natahimik at napayuko na lamang si Maya.

"By the way.." sabi pa ni Kevin.

Lumingon naman si Maya dito.

"Isasama ko rin sana si Brenda sa vacation natin." patuloy ni Kevin.

Pilit naman itinago ni Maya ang nararamdaman disappointment dahil akala niya ay silang dalawa lamang ni Kevin ang aalis patungo sa Japan.

"Actually, nasabi ko na sa kanya itong bakasyon natin kaya nakapagpa-book na rin siya ng flight patungong Tokyo." sabi pa ni Kevin.

Pilit na ngumiti na lamang si Maya bilang tugon dito.

"I think, mag-eenjoy tayo sa ating bakasyon!" masayang wika ni Kevin.

Pilit pa rin sa pag-ngiti si Maya.

"Naku noh! Ikaw lang for sure ang mag-eenjoy dahil kailanman ay hindi ko pinangarap makasama ang bruhang Brenda na yun sa kahit anong lakad!" sambit na lamang ni Maya sa kanyang sarili.


Kinabukasan, maagang pumasok ng coffee shop si Maya. Buong araw ang shift nito sa trabaho dahil sembreak na nila.

Panay-panay ang silip ni Maya kay Raphael sa loob ng opisina nito. Kumukuha ito ng tiyempo upang makapagpaalam na hindi papasok ng isang linggo dahil magbabakasyon nga sila nina Kevin sa Japan. Hindi ito makakuha ng pagkakataon dahil sa tuwing sisilip siya sa opisina nito ay abalang-abala ito sa kanyang ginagawa.

Napansin naman ni Raphael na madalas na sinisilip siya ni Maya sa loob ng opisina nito. Kaya nang isang beses na masaktuhan niyang nakasilip ito ay hindi na nito natiis na tawagin ito.

"May kailangan ka ba, Maya?" tanong ni Raphael dito. "Napapansin kong kanina ka pang silip ng silip diyan." dagdag pa nito.

Napalunok naman si Maya hindi nito akalain na napapansin pala siya ni Raphael.

"Ah eh." kamot-ulong sagot ni Maya at nag-iisip kung paano magsisimula.

"Pumasok ka kaya dito." paanyaya naman ni Raphael.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now