Chapter 71

10.2K 332 61
                                    

Maagang nagising si Maya.

Dahil wala pa silang pasok ay nahiga muna ito at nag-isip-isip habang nakatingin sa kisame.

Naisip nito ang desisyung mag-resign sa coffee shop nina Raphael.

"Mas mabuti sigurong mag-resign na lang ako." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili. "Nakakahiya talaga ang ginawa ko." dagdag pa nito.

Ngunit nag-aalangan pa rin nito dahil naisip nito na si Raphael at ang coffee shop nila ang tumulong sa kanya para kahit paano ay magpatuloy sa kanyang pang-araw-araaw na buhay.

Naisip nito na kahit may natutuluyan na siya at may nagpapa-aral sa kanya, nakuha nitong huwag umasa kay Ricardo ng lubusan dahil may sarili rin itong pera para sa kanyang pang-araw-araw na gastos.

"Hindi bang lalabas na wala akong utang na loob?" tanong pa ni Maya sa kanyang sarili.

Pero naisip bigla nito ang ginawang biglaang pag-iwan sa kanyang trabaho.

"Mas nakakahiya ang ginawa kong pag-alis bigla sa trabaho." sabi pa nito. "Mas mabuti nga siguro na mag-resign na lang ako para hindi na nakakahiya kay Raphael. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lamang sa palagian niyang pagpapasensya sa akin tungkol sa trabaho." dagdag pa nito.

Bumangon na ito sa kanyang pagkakahiga at nagtungo sa banyo upang maligo dahil napagdesisyunan na nitong kausapin si Raphael sa araw na iyon tungkol sa desisyon nitong mag-resign.

Pagkatapos makapag-ayos ay lumabas na si Maya sa kanyang silid.

Nagulat ito nang makitang nasa kusina pa si Kevin.

"Gising ka na pala!" wika ni Kevin sa kanya.

Ngumiti lamang si Maya bilang tugon dito.

"Mukhang aalis ka?" sabi pa ni Kevin nang mapansing nakabihis ito.

"Oo." matipid na sagot ni Maya.

"Kumain ka na muna bago umalis." paanyaya ni Kevin. "Nagpadeliver ako ng pagkain." dagdag pa nito.

Dahil ramdam nito ang gutom, pinaunlakan na rin ni Maya ang paanyaya ni Kevin.

Naupo ito sa harap ni Kevin.

"Ito." wika ni Kevin habang iniaabot ang pagkain kay Maya.

"Ang aga aga natin ah?" wika pa ni Kevin. "Next week pa ang pasok natin ah. Saan ka pupunta?" tanong pa nito.

"Kakausapin ko kasi si Raphael." sagot ni Maya.

"Bakit?" tanong ni Kevin.

"Magpapasa na kasi ako ng resignation ko." sagot ulit ni Maya.

Nakaramdam ng tuwa si Kevin sa nadinig mula kay Maya.

"Mabuti yan." sabi ni Kevin. "Mas mabuti na huwag ka na lang magtrabaho para mapagtuunan mo nang pansin ang pag-aaral mo." dagdag pa nito.

"Pero balak ko pa rin magtrabaho." wika ni Maya. "Maghahanap na lang ulit ako ng bagong trabaho." patuloy pa nito.

"Huwag na." singit ni Kevin. "Kakausapin ko si dad tungkol dito. Sigurado ako ng matutuwa siya kung hindi ka na magtatrabaho." dagdag pa nito.

"Pero.." sasagot pa sana si Maya pero pinigilan siya ni Kevin.

"Ako nang bahala." sabi pa ni Kevin sabay hawak sa kamay ni Maya.

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Maya nang maramdaman ang dantay ng kamay ni Kevin sa kanya.

"Hayaan mo kaming tulungan ka ng lubusan." sabi pa ni Kevin.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now