Chapter 8

15.9K 517 31
                                    

May isang oras na bakante si Maya bago ang kanyang susunod na klase, nagtungo ito sa library upang pag-aralan ang mga nakaraang aralin. Tulad nga ng sabi ng kanyang isang professor na kailangan niyang mag-catch up sa mga aralin nila upang hindi mapag-iwanan.

"Kung hindi lang ako pagod lagi sa trabaho ko, kayang-kaya ko naman ito lahat." sabi pa niya sa kanyang sarili.

Habang nag-aaral ay hindi sinasadyang madinig ni Maya ang usapan ng mga babae malapit sa kanya.

"Hindi ba yan yung lagi kasama ni Raphael?" sabi ng isang babae.

"Oo, magkaklase sila, ang alam ko." sagot naman ng isang babae.

"Balita ko nga eh nagtatrabaho rin yan doon sa coffee shop nina Raphael." wika pa ng isang babae.

"Ang swerte naman ng baklang yan. Nakakasama niya lagi ang crush nating si Raphael." sagot ng isa.

"Para-paraan lang kasi yan, girl. Tignan mo, nag-apply pa talaga siya sa coffee shop nila para nga naman buong araw niya makasama si Raphael." dagdag pa nito.

"Kahit naman ako ang nasa lagay niya, papayag akong magtrabaho sa coffee shop na yun kung si Raphael naman ang makakasama ko. Kahit walang sweldo!" sabi pa ng isang babae.

Nagtawanan na lamang ang mga ito.

Nabagagbag naman si Maya sa mga pinag-usapan nito. Nakaramdam siya ng consciousness tungkol sa pakikipagkaibigan niya kay Raphael. Feeling niya ay kakumpitensya niya ang lahat ng babae sa campus (maaring may ibang bading rin). Aminado naman siya na nagagwapuhan siya sa nasabing binata pero wala siyang nararamdaman na kahit ano para dito.

Natigilan na lamang sa pag-uusap ang mga babae nang makita nila si Raphael na palapit kay Maya. Nabigla naman si Maya nang makita ang binata palapit sa kanya.

"Nandito ka lang pala." sabi ni Raphael sa kanya ng lapitan siya nito.

"Ay oo." sagot nito sa kanya. "Naisip kong mag-aral na lang dito since may 1 hour vacant time pa naman ako." dagdag pa nito.

"Yayain sana kitang mag-lunch kasi naisip ko nga na vacant natin kaso bigla ka na lang nawala sa room kanina." sabi naman ng binata sa kanya.

Napatingin si Maya sa mga babaeng nag-uusap kanina. Nakita nitong parang masama ang tingin sa kanya ng mga ito.

"Ay! Ok lang. Busog pa naman ako." pagsisinungaling nito kahit alam niyang nagugutom na siya dahil agahan ang huli niyang kinain. "Iiglip rin kasi ako pagkatapos nito kasi antok na antok rin ako ngayon." patuloy pa nito.

"Mukhang napagod ka na naman doon sa tinutuluyan mo." sagot naman ni Raphael sa kanya. "Pwede ka namang hindi pumasok mamaya sa coffee shop kung hindi mo talaga kaya." dagdag pa nito.

"Papasok ako. Kaya ko. Iglip lang, babalik na ulit ang lakas ko." sagot pa ni Maya sa kanya..

"Ayaw mo talagang kumain?" tanong pa ulit ng binata sa kanya. "Libre ko na ito." dagdag pa niya.

"Salamat na lang." matipid na sagot nito at halatang umiiwas na ito sa binata.

"Ok." sagot na lamang ng binata. "Magkita na lang tayo mamaya sa next class." dagdag pa nito.

Ngumiti na lamang si Maya bilang tugon dito.

Pagkaalis ng binata ay tumingin ulit si Maya sa mga babae. Kita pa rin nito na parang galit ang tingin sa kanya ng mga ito. Yumuko na lamang si Maya at pilit umiglip dahil kahit paano ay totoo namang inaantok siya.

Nang magising si Maya sa kanyang pagkakaiglip ay nakita nitong malapit na siyang mahuli sa kanyang susunod na klase.

"Oh my God!" ang nasambit niya sa kanyang sarili nang makita ang orasan. Mabilis na dinampot nito ang mga gamit at tumakbo papunta sa susunod niyang klase. Pagdating niya sa silid ay nakita nitong nasa loob na ang kanyang professor at mga kaklase ngunit hindi pa nagsisimula ang klase. Dahan-dahan na pumasok ito sa silid.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now