Chapter 65

10.6K 337 72
                                    

Kinabukasan, una agad nilang pinuntahan ang Tokyo Disneyland.

Halata kay Maya ang excitement dahil bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makapunta sa nasabing theme park at hindi siya makapaniwala na nandoon siya ngayon.

Naalala niya bigla ang kanyang Tatay Ferdie dahil pinangakuan siya noon nito na dadalhin siya sa Disneyland kapag nakaluwag sila sa kanyang schedule.

"Sa susunod na baba ko mula sa barko, dadalhin kita sa Disneyland." ang naalala sabi sa kanya ng kanyang Tatay Ferdie.

"Tay, nandito na ako ngayon." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili. "Marami pong salamat at dahil sa inyo ay nakilala ko sina Tito Ric at Kevin." patuloy pa nito. "At dahil sa kanila ay nakapunta rin ako dito, tulad ng pangako ninyo sa akin." dagdag pa nito.

Nag-blush naman agad ito nang maisip na nabanggit niya ang pangalan ni Kevin.

Naalala tuloy nito ang sinabi ng kanyang Tatay Ferdie.

"Anak, hindi ako tutol kung magkaka-boyfriend ka balang araw." sabi sa kanyang ng kanyang tatay nang minsang kausapin siya nito ng masinsinan. "Pero siguraduhin mo lang na mahal ka ng magiging boyfriend mo at hindi ka lamang gagamitin." patuloy pa nito.

Napatingin lamang si Maya sa kanyang tatay.

"Naiintindihan mo naman ang sinasabi ko, 'di ba?" tanong ng kanyang Tatay Ferdie.

"Opo." sagot ni Maya.

Naisip nito na marahil ay pinaaalam lamang sa kanya ng kanyang Tatay Ferdie ang generalization ng lipunan tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ng isang bakla na tulad niya. Aware naman siya na na ang tingin ng lipunan na kapag ang isang bakla ay may boyfriend, marahil ay ginagamit o kaya ay pineperahan lamang siya nito.

"Naniniwala akong balang araw ay makikilala mo rin ang lalakeng magmamahal sa'yo ng tunay at totoo." sabi pa ng kanyang Tatay Ferdie.

Napatingin si Maya sa kanyang tatay.

"Salamat po, 'tay." sagot niya dito.

At pagkatapos ay nagkayakap ang mag-ama.

"Hoy, tahimik ka diyan!" singit bigla ni Raphael nang makitang malalim ang iniisip ni Maya.

Nabigla naman si Maya.

"Naalala ko lang bigla ang Tatay Ferdie ko." sagot nito. "Naalala ko kasi na noong araw, gusto niya rin akong dalhin dito sa Disneyland." paliwanag pa nito.

"For sure ay masayang-masaya na siya, kung nasaan man siya. dahil ito ka ngayo't nag-eenjoy dito." wika ni Raphael.

"Pero magiging mas masaya siguro kung kasama ko siya ngayon dito." sabi naman ni Maya.

"Huwag ka nang malungkot." tugon ni Raphael. "Hayaan mo, I will do my best para maging masaya ka ngayon." patuloy nito.

Nangiti naman si Maya sa sinabi sa kanya ni Raphael.

"Salamat!" sagot ni Maya.

Hindi naman nila alintana na kanina pa sila pinagmamasdan ni Kevin habang kasama si Brenda.

"Hon, I wanna buy some lemonade." wika ni Brenda kay Kevin ngunit parang hindi siya nadidinig nito.

Si Kevin naman ay nakatingin lamang kung nasaan sina Raphael at Maya.

"Hon?!" wika pa ni Brenda nang mapansin hindi siya pinapansin nito.

Nabigla naman si Kevin nang sigawan na siya ni Brenda.

"Bakit parang lumilipad ang isip mo diyan?!" tanong ni Brenda.

"Puyat kasi ako." palusot na lamang ni Kevin.

Stuck with Mr SnobbishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon