Chapter 40

11.6K 360 37
                                    

Nagpunta ang tatlo sa isang sikat na japanese restaurant sa The Fort.

Nag-park sa labas ng nasabing restaurant si Kevin.

"I hope you guys don't mind if I choose to eat here." bungad ni Kevin. "Matagal na akong nagke-crave sa ramen." dagdag pa nito.

Sumingit naman si Maya.

"Eh pinagluto kita noong ng ramen kaso inindyan mo lang ako." sabi pa nito.

"Hindi mo pa rin nalilimutan iyon?" gulat na tanong naman ni Maya.

"Hindi mo kasi alam yung effort ko magawa lang yung ramen na iyon tapos dededmahin mo lang!" pagtataray pa ni Maya.

"Sorry naman." sabi naman ni Kevin.

Pinagmamasdan lamang sila ni Raphael.

"Tara na sa loob." paanyaya ni Kevin nang maigarahe na nang maayos ang sasakyan.

Pumasok na ang tatlo sa loob at sinalubong sila ng attendant.

"Table for five?" tanong ng attendant kay Kevin.

Napakunot naman ang noo ng tatlo dahil bakit lima ang sinabi ng attendant sa kanila.

"For three only." sagot ni Kevin.

"Ok, sir!" sagot naman ng attendant. "Follow me please." dagdag pa nito.

Pagkaupo ng tatlo ay nag-usap agad sila.

"May kasama ba tayong dalawa para tanungin kung lima tayo?" nagtatakang sabi ni Kevin.

"Baka may third eye at may nakikita siya na hindi natin nakikita." biro naman ni Raphael.

Natawa naman si Kevin.

"Baka akala eh may hinihintay kayong ka-date na babae at sabit lang ako sa inyo." singit naman ni Maya at nakanguso ang bibig dahil naisip nitong maaring tama siya.

Natawa naman si Raphael dito.

"Masyado ka namang assuming diyan!" sabi ni Kevin kay Maya.

Sumimangot na lamang si Maya.

Ilang saglit pa ay bumalik na ang attendant dala ang menu. Nang makapili na sila ng pagkain ay umorder na rin sila.

"It will take 15-20 minutes." paalaala ng attendant sa kanila.

"Sure, no problem." sagot ni Kevin.

Pagkatapos ay umalis na rin ang attendant.

Napatingin si Kevin kay Maya at nakitang nakasimangot ito.

"Oh bakit nakasimangot ka diyan, Simang?" sabi ni Kevin dito.

"Sinong Simang?" nagtatakang tanong ni Raphael.

"Ito si Maya, si Simang. Simangot." natatawang sagot ni Kevin.

Lalong sumimangot si Maya sa biro ni Kevin.

"Naalala ko lang kasi yung time na pinaghintay mo ako ng matagal doon sa Greenbelt." wika ni Maya.

"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad sa nangyari?" tanong ni Kevin. "Sabi mo noong isang araw eh ok na sa'yo?" dagdag pa nito.

"Naalala ko lang. Hindi ko naman sinabing hindi pa rin kita napapatawad." sagot ni Maya.

"Kaya nga sagot ko na ito. Para makabawi sa paghihintay mo noon." wika naman ni Kevin.

"Hindi mo naman kailangan bumawi." sabi ni Maya.

"So ok na sa'yo ah?!" tanong ni Kevin.

"Oo na." pakipot na sagot ni Maya.

Stuck with Mr SnobbishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon