Chapter 41

11.9K 319 9
                                    

Araw ng Miyerkules..

Tumunog ang alarm ng cellphone ni Maya.

"Five minutes." sabi pa nito sa kanyang sarili at pinindot ang snooze ng alarm.

Pagkatapos ng ilang saglit ay tumunog na naman ang alarm ng cellphone nito.

"Five minutes na iyon?!" sabi pa ni Maya sa kanyang sarili. "Konte pa please." sabi pa nito at pinindot ulit ang snooze ng alarm.

Matapos ang isang oras ay naamlimpungatan na ito nang maramdamang hindi na tumunog ang alarm ng kanyang cellphone.

Nagulat ito nang makitang alas-siete y media na ng umaga.

"Ang bilis ng oras!" ang nasambit ni Maya at bumangon.

Naisip nito kung anong mga gagawin sa paaralan nila para sa araw na iyon dahil tamad na tamad siya pumasok.

"A-absent na lang siguro ako." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili dahil antok na antok pa rin ito.

Humiga ito saglit at pumikit.

"Iglip lang ako ng 30 minutes." sabi pa nito sa kanyang sarili. "Pwede naman siguro kumain si Kevin sa labas." dagdag pa nito nang maisip ang binata. Naisip nitong maari itong kumain sa isang fast-food chain ng breakfast dahil may usapan na sila ng binata na pwede na siyang hindi magluto ng pagkain kung ayaw niya.

Nahiga ito at natulog ulit.

Pagkatapos ng isang oras ay bumangon na rin ito mula sa kanyang higaan dahil kahit paano ay naramdaman nitong nabawi na nito ang antok na nararamdaman kanina.

"Ok lang naman siguro na hindi pumasok ngayon." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili.

Sinilip nito ang kanyang cellphone at nakitang may mga missed call siya mula kay Raphael. Nabasa rin nitong may text message siya mula sa binata.

"Bakit hindi ka pumasok ngayon? May sakit ka ba ulit?" ang text message sa kanya ni Raphael.

Sinagot naman niya agad ito,

"Ok lang naman ako. Tinanghali na ako ng gising dahil antok na antok ako kanina. Napagdesisyunan kong huwag na lang pumasok at magpahinga." ang sagot naman ni Maya dito.

"Ok. Rest well." ang mensahe na naman ni Raphael sa kanya.

Naisip naman bigla ni Maya si Raphael at ang mga kabutihang ginawa nito sa kanya. Naisip nitong gwapo naman talaga ang binata ngunit bakit hindi niya makuhang ma-attract dito. Kung tutuusin ay maraming babae at maging mga bading ang nagkakandarapa para sa binata pero ito siya't parang wala lang.

Napahiya naman siya sa kanyang sarili nang maisip na bakit niya iniisip ang mga ganoong bagay eh kung tutuusin ay bilang isang kaibigan lamang ang turing rin sa kanya ni Raphael. Naisip nitong malabong mangyari na ang relasyon nila ni Raphael ay maging higit pa sa pagiging magkaibigan.

"Ano ba itong iniisip ko?!" sambit pa ni Maya sa kanyang sarili.

Nag-ayos ito ng kanyang sarili at dahan-dahan na sumilip sa labas.

Paglabas niya ay nakita niyang tahimik ang paligid. Lumingon ito sa may silid ni Kevin at nakitang nakasarado ang pintuan nito.

"Marahil pumasok na si 'Mister Snobbish'." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili at derechong nagtungo sa kusina.

Naisip nitong maghanda ng toast and butter para sa kanyang sarili bilang agahan. Naisip rin nitong magluto na rin ng lunch at sasabihan na lamang si Kevin na nakapagluto ito para kung napag-isipan nitong kumain ay maari na lamang itong umuwi upang makatipid.

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now